need legal advice po kung ano pwede namin habol sa developer ng bahay na kinuha namin noong 2009 pa. Pag ibig po ang naunang kontrata na pag naka 6 n buwan daw matatake out na pero umabot po lampas kalahating taon ng sabihin na for take out na po bilang ako na SPA, kaya lang po sinabihan nila kami ilang araw bago ako makaalis noon bilang OFW, july 2010 na po noon. Diretso lang po paghuhulog namin ng bahay hanggang sa umuwi ako pinas 2011 dahil maselan ang pagbubuntis ko, pag balik po sa developer Bank Financing na daw po, pumayag kami dahil ka presyo lang ng bahay sa pag ibig...Nag ka problema po sa pagkumpleto ng dokumento dahil may nagkamali po sa opisina nila at pinadlhan kami ng mensahe na hindi apprubado ang pag extend ng pagpasa ng mga requirements (ofw asawa ko sa kanya nakapangalan bahay) sa banko at in house na kami... Yun pala hindi naman totoo ang mensahe na un nagkamali daw, kaso hindi na po maihahabol pa ung requirements at dahil dun hindi kami na apruba sa banko...pinipilit nila kami i in house pero hindi na kami pumayag dahil hindi namin kaa ang 9000 buwanan hulog, ang pag ibig at banko po e nasa 5000. Ngayon po humingi kami ng refund pero ayaw po nial dahil NO REFUND in payments made daw at may pinirmahan kami. Ano po ba ang karapatan namin makuha mga binayad namin kasi po ofw asawa ko, wala po kaming ipon lahat sa bahay napunta kahit po panganganak ko sa pampubliko ospital ako nanganak dahil inisip namin na kailangan i priority ang bahay na inakala namin investment para sa anak namin...ngaun paikramdam ko po inalisan kami ng karapatan sa bagay na pinaghirapan namin...
sana po matulungan nyo kami mapayuhan.
salamat po,