Gusto ko po sanang humingi ng legal advice tungkol sa titulo ng lupa na isinanla ng lola ko sa kapitbahay namin sa halagang 30 thousand last April 2012, nalaman ng tita ko noong december at tinubos nya ito, pero dahil sa pagkalulong ng lola ko sa sugal, iniisip niya na itago na lang muna ang titulo at huwag ipaalam na natubos na ito, sa kasamaang palad, nalaman ng lola ko na natubos na ang titulo at pilit kinukuha sa tita ko, nagdecision ang mama, tito at tita ko na dalhin ang titulo sa canada para maging ligtas sa pagkakabenta.
Ngayon ang lola ko ay mukhang may balak na ideclare na nawala ang title ng lupa, may laban padin po ba ang titulo na hawak ng tita ko, upang maiwasan sa pagkakasanla o worse tuluyang maibenta?
Salamat po!