[/justify]
Nais ko pong malaman ang magiging hatian ng lupang ipinamana ng aking ama sa aming magkakapatid na 3 kaming legitimate na anak at 6 na illegitimate at kung may karapatan ba ang aking ina sa lupang ito? Ang aking ama ay nag-iwan ng 2156 sq. meter na lupain na minana niya sa kanyang magulang noong 1998 nakalagay po sa titulo na siya ay single. Kinasal po sila ng aking ina noong taong 1978 sila po ay nagkahiwalay din po at nagkaron ako ng 6 na kapatid sa labas. nanirahan po sa nasabing lupa ang aking kapatid sa labas at ang kanilang ina at nagpasukat at nagpatayo ng apartment na hindi namin nalalaman na naging umpisa ng problema kung saan hindi naging tama ang hatian. Sa ngayon ay kasalukuyang nagreklamo kami sa barangay upang isaayos ang hatian sa lupa kung saan nais namin maging pantay-pantay ang hatian sa aming magkakapatid. naway matulungan niyo ko sa aking problema upang malaman ko po ang aming karapatan pati ng aking ina... maraming salamat po!