3 years na ako nag wowork para sa company namin. Pero lately. napansin ko na pinag iinitan ako ng boss ko for some reasons.
One day pinag bintangan po nya ako na nag access ng server sa office, where in wala sya mapakita na proof.
Pangalawang attempt pinag bintangan po ako na ginalaw ko settings ng computer ko para hindi nila ako ma monitor kung ano ginagawa ko.. hindi ko po yun ginawa. at hindi lang ako ang gumagamit sa computer ko at wala rin sila mapakita proof.
Sabi po sa akin nung Friday, pack up ko na things ko at bumalik sa Monday pag ready na ako na aminin ang ginawa ko na pag palit sa settings. If not. Mag resign nalang daw po ako.
Please let me know, DO i have a case here?