Magandang araw/gabi po. Me idudulog na naman po akong tanong sa inyo. Regarding po ito sa nakasanglang lot property sa mama ko. Me umutang po sa kanya mga 12 years na po ang nakalipas. Me naging kasulatan sila na babayaran ang halagang 3000 pagkatapos ng isang taon at buwanang magkakaroon ng interest na babayaran sabay nang principal na halaga. Sa pagkakaalam ko, maraming beses na humingi ng kabayaran ang mama ko sa kadahilanang lumipas na ang isang taon ay hindi parin nababayaran ang mama ko dahil na rin gipit din po ang kabilang panig. Noong mamatay ang mama ko, nakita ko sa kanyang mga dokumento ang titulo kasama ang promissory note. Ang tanong ko po, maaari po ba kaming mga anak ang maningil na sa taong nagkautang sa aming ina? Ano po ang pwede naming gawin in case ayaw niyang magbayad? Sana po ay mabigyang kasagutan ang aking mga tanong. Maraming salamat. God bless.