Gamit po ng anak ko ay ang apelyido ko,Tanong ko lang po kung may habol pa ang ama ng anak ko na ipalipat ang apelyido at pangangalaga ng anak ko sa kanya,kahit ayaw ko at hindi naman kami kasal,sa ngayon po kasi nasa pangangalaga ng magulang ko ang anak ko,Nandito po ako ngayon sa US dahil nagpakasal ako sa amerikano,at binabalak po naming mag asawa na ipetition ang anak ko pero tinatakot po ako ng ama na idedemanda ako kapag kinuha ko ang bata,nasa ibang bansa din po ang ama at may GF na din po.Hindi po ba ako ang mas may karapatan sa bata dahil ako ang ina nya at hindi naman po nagbigay ng sustento ang ama nya nang pinagbubuntis ko palang sya,at nagsimula lang po sya magbigay para sa bata nun nanganak na po ako,6,000 po every month pero ang sahod nya po ay 50,000 a motnh,hanggang isang taon lang po yun,tinigil nya na din po ang sustento,tapos po ngayong nag 4 years old na ang bata nakiusap sya sa akin na sustentuhan nya ang bata sa pag aaral,kahit yun lang daw po at makita nya paminsan minsan sa tuwing uuwi sya ng pilipinas,pinagbigyan ko po sya karapatan nya din naman makita at makapiling ang anak nya,nung nalaman nya po na may balak akong ipetition ang anak ko,gusto nya na po ipalipat sa apelyido nya at ang pangangalaga sa anak ko.At kung hindi daw po ako pumayag ay idadaan nya sa korte,