Itatanong ko lang po kung legal ba ang training bond sa pilipinas? Nag awol po ako sa aking kumpanya dahil na rin sa palakad nila at ako po ay nagdadalang tao at medyo maselan ito. Ayon sa mga sulat na ipinadala nila sa address ng in laws ko( hindi na po kasi ako doon nakatira kaya natanggagp ko lang ang mga sulat pagkaraan ng pasko) dated nov. 23, 28 at dec 5. Naninigil po sila ng 20,000php bilang training reimbursement. wala po akong ganung halaga dahil wala po akong trabaho ngaun, ano po ba ang pwede kong gawin? Ikukulong ba nila ako pag hindi ako nakabayad? at magkakaroon po ba ko ng bad record sa NBI at pulisya? Hintayin ko po ang inong sagot. Salamat.