sana po mabigyan nyo ako ng payo sa problema namin..
meron po kaming co teacher na nagloan sa isang lending institution..
4 po kami na pinapirma nya as co-makers.. without knowing na may balak na po pala siya lumipad ng ibang bansa.. nakipag usap po kami sa kanya upang ayusin ang knyang pagkakautang..
ngunit sadya po na wala siyang balak bayaran ang knyang pagkakautang.
sa ngayon po sinulatan na kami at kinaltasan nung lending instituion para sa pananagutan nya..
nalaman din po namin na ganun din ang ginawa nya sa iba pa naming kasamahan.
nakakasiguro na po kami na wala siya balak bayaran dahil po kahit anung pakikipag usap po namin sa kanya ay hindi siya tumutugon at sadya nya kaming iniiwasan..
sa ngayon po narito siya sa pilipinas upang magbakasyon.. kinausap po namin pero talgang wala pong tugon.. pinangangamba po namin makaalis na naman sia ng bansa ng hindi man lang kami nabayaran..
anu po ba ang maari naming gawin.. tulong po...
salamat..