good day sir. may co worker po ako. sa lending company din po. she was employed march 2006 and tendered resignation on december 11, 2012. here is my concern sir: napromote po siya as manager november 2008 sa palawan branch. nag audit po sila sa branch na hawak niya nung march 2010. it was found out po na may large volume of cash na nawawala or shortage sa cash on hand po nila amounted to less than 100,000.00.hindi po sya ang designated na humawak ng cash kundi po ang kahera. pero nung time po na nafound out na may large volume na nawawala, nag awol na po ung kahera at di na po mahagilap. inadvice po siya na dahil po sa shortage ng kahera niya, dinemote posiya ng april 2010. nilipat po sya sa caloocan branch. at sa salary po nia as supervisor na 10,750, nagdededuct po sila ng 6,000.00 per month until masettle daw yung pinashoulder sa kaniya. ang tanong po, makatarungan po ba yung ginawa ng management na ipasuffer sa kaniya yung less than 100,000 na shortage? if ever po, pwede po ba niyang makuha yung kinaltas sa kaniya?