Tungkol po ito sa isang naka relasyon ko. Si A.G. may nabalita po kasi sa kin na may nakasama siya babae nung gabi. Ngayon tinatanong ko siya sa cellphone ni A.G. bakit niya kasama?, Yung babae dati naming kapitbahay at may asawa na.
Ilang araw na po at hindi pa tumutigil ang mga nagsasalita na magkasama sila dalawa. Kaya text ko ulit siya. Nung una itinanggi niya. Dahil kami pa ng mga panahong iyon.
Hnaggang sa nagtext ako sa kanya ng di maganda tungkol sa babae: "kung kanikani sumasama ang babae, 'marami ng dumaan dyan"
Ang ginawa ni A.G. pinapakita niya sa babae at sa kapatid nung babae yung mga text messages ko. At pinoforward pa ni A.G. ang messages ko sa kanila.
Ang resulta, inaway po ako ng mga ito at kumampi pa si A.G. sa kanila.
hindi ko po alam kung ano motibo ni A.G. o naghahanap ng kakampi.
hanggang magpost sila sa FAcebook ng mga pangiinsulto. At sinabing sinasadya nila dahil sa mga text messages na forward ni A.G.
Paano po kaya ang dapat gawin dito?
Isa pa po may anak kami mag tatlong taon na sa Pebrero 2013. Hindi niya apelyido. Pero kilala siya ng bata.