salamat po sa mga bumasa at sumagot sa aking post.naiintindihan ko po ang naiisip nyo na pera ang hinahabol ko. para maintindihan nyo po ay ikekwento ko po.
Sanggol pa lng po ako ng iniwan ako ng mga magulang kodahil sumama sya sa papa ko. nung nabuntis sya ulit iniwan din nya.bale dalawa kaming mag kapatid na iisa ang ama.tapos po naghiwalay din sila ng papa ko(hindi sila kasal) lumaki kami sa lola ko. nakilala ko sya 7-8 years old na ako. may asawa na syang iba nun.sa mandaluyong po sila nakatira at nagkaroon ng isang anak.kinuha nya kami pero sandali lang kami tumira magkapatid dun kasi po nananakit ang asawa nya samin.nagsumbong po kami sa kanya kaya binalik nya kami sa lola ko. nagkahiwalay din sila at tumira naman sya sa bacoor kasama ung naging anak nila. sa lola ko pa din kami nakatira magkapatid.(P'que).10 years old po ako ng may pinakilala sya samin na lalake.dun po sya nagpakasal.nagsama po sila kasama po yung bunso naming kapatid pero kaming dalawa ng lola ko pa din.naghiwalay din po sila.lumipat sya sa paranaque malapit sa bahay ng lola ko at nagtatrabaho po sya sa Club.may nakilala syang "HAPON"(Japanese National) at nagpapadala ng pera sa kanya monthly. dun nya na kmi kinuha.12 years old po ako.dito ko na po naramdaman ang "FAVORITISM".kapag may kasalanan po kami magkapatid ay sinasaktan kami ng mama ko lalo na pag nakakaaway namin ung bunso namin.at nakikita ko po madalas na may iba ibang lalake na pumupunta samin.nakita ko din po na nagshashabu ang mama ko kasama ang mga lalaking pumupunta samin.maniwala man kayo o hindi minsan ako pa po ang inuutusan ng mama ko bumili ng shabu sa kaibigan nya. ,nagsumbong po ako sa lola ko.inaway po sya ng lola ko.dahil dun sinaktan po ako ng mama ko kaya po lumayas kami magkapatid at bumalik sa lola ko.hindi ko na po alam kung ano nangyare sa kanila ng HAPON.nag asawa po sya ulit.yung napangasawa nya ay yung kasama nya mag drugs.nagpakasal po sila at nagkaanak at lumipat sa bahay ng napangasawa nya.(hindi ko na po alam kung nag da drugs pa sila)malapit po sa bahay ng lola ko,magkapit bahay lng kami.halos araw araw po sila nag aaway.hangang sa nagtrabaho sa po sya ulit Club. 1999 ng makilala nya ang dutch national.(sila pa din ng asawa nya)
(may work na po ako sa isang Resort sa Las Pinas)
(may ari ng resort,asawa po ng pangalawang kapatid ko)
dinala nya po sa pinagtatrabahuhan ko at pinakilala po kaming magkapatid.ito po yung masakit na parte.kinausap po kmi ng mama ko at sinabi samin na wag sana kaming magagalit,kasi bago nya po pala dinala sa resort ung dutch ay ang sabi nya po pala ay mga "ampon"nya kami nung bata pa kami at sya nagpalaki samin kaya Mama ang tawag namin sa kanya.pero yung dalawa po sinabi nya na anak nya sa unang asawa nya.hindi daw po nya masabi na apat ang anak nya kasi daw po baka iwanan sya.pero pag nakasal daw po sila saka nya aaminin.sana daw ay maintindihan namin sya kasi hirap na hirap na daw sya sa asawa nya.napasakit po talaga at napaiyak na lng po kami magkapatid sa sinabi ng nanay namin. lumipat po ng bahay ang mama ko sa Las Pinas kasama ang asawa nya at dalawang kapatid po namin.Nasa saudi po ung Dutch. sa resort po ako nakatira at yung kapatid ko.
year 2000 babalik po yung dutch at magpapakasal daw po sila.hindi ko po alam kung paano nagawaan ng paraan ng mama ko, pero napaalis nya po yung huling asawa nya.dumating at nagpakasal po sila.
dito na po nagbago ang buhay namin. nabuo po ang pamilya namin.nagsama sama po kami mag iina at magkakapatid. hangang sa mabalitaan namin na magdedemanda yung dati nyang asawa. ako po ang inutusan ng mother ko na kausapin yung dati nyang asawa. ginawa ko naman po at nakipag usap ako at sinabihan ko na mula ng bata pa kami ay pangarap na namin magkapatid mabuo pamilya namin.sinabi ko din po na isipin nya po sana yung anak nila na pinag aaral ni mama.hindi nmn po sya nagbibigay ng tulong sa anak nya.at huling sinabi ko po ay kapag may masamang nangyare sa mama ko ay hindi ko po alam ang magagawa ko. hindi po nagdemanda ang asawa nya at naging maayos nmn ang lahat.2x a month ay umuuwi si dutch dito,nakabili po ng mga properties at mga sasakyan.napaka bait po ng step father ko.naligtas po sa kamatayan ang isang anak ko dahil sa pagtulong nya.ang alam nya po ay ampon lng ako pero tinuring nya po akong parang tunay na anak.kaya pinangako ko po sa sarili ko na magiging tapat po ako sa kanya.hanggang sa dumating po yung malaking problema samin.nagkaroon ng relasyon ang mama ko sa driver nya(2010),umupa ako ng tao para sundan sila.nag room sila sa isang motel sa tagaytay,umupa sya ng apartment sa las pinas.pumupunta sya ng bicol sa pamilya ng driver namin.picture na magkayakap sila ng driver namin.may picture po ako ng lahat ng yan.pinakita ko po sa mga kapatid ko ang mga ibedensya para mapag usapan namin magkakapatid kung ano ang gagawin.at hindi ko inaasahan na magsusumbong pla yung isa kong kapatid.dahl dun ay nagkagulo po kami,at gaya ng pangako ko na magiging tapat.magsusumbong na po sana ako sa step father ko pero naunahan nya po ako ng tawag ng mama ko.sinabi nya po na nanggugulo ako kasi na iinggit daw po ako sa dalawang kapatid ko dahil sa selos. sinabi nya din po na wag ako kakausapin kahit tumawag ako sa saudi kasi maninira lng daw po ako.pina blotter nya din po ako sa BRGY. para po hindi ako makapunta sa kanila para hindi ko po makausap ang step father ko.nalaman ko po sa isang kapatid ko na galit na galit sakin ang step father ko.ako pa po ang naging masama.wala sa mga kapatid ko na naglakas ng loob magsumbong dahil nga po alam nila na kayang paikutin ng mama ko ang step father namin.kaya naisip ko idemanda mama ko para mapilitan sya na magharap kami kasama ng step father ko.nagtxt po ako sa mama ko na hindi po ako nanghihingi ng pera o kahit anong bagay at hinamon ko po sya na pipirma ako na wala akong hinahangad kahit anong mana o properties na maiiwan nya.ang gusto ko lng po ay linisin ang pangalan ko at ipaalam sa step father ko na kahit sarili kong ina ay kakalabanin ko bilang pagtanaw sa napakalaking utang na loob na binigay nya sa amin.dahil alam kong darating ang araw ay baka malaman din ng step father namin ang totoo.atleast po ay hindi nya masasabing nag traydor ako sa kanya matapos kaming tulungan.
lumapit po ako sa PAO at pinakita ko po ang tatlong married cert. ng mga kasal nya.sinabihan po ako na pag isipan ko ng husto dahil sa mother ko nga po sya.nagdesisyon po ako na gusto ko lng po sana makausap sila ng step father ko para linawin o ayusin ang mga issue etc.
Tinulungan po ako ng PAO.Nag padala po ng letter ang PAO sa kanila. Nakalagay po dun na ako po ay humingi ng tulong sa PAO para idemanda ang mother ng kasong Bigamy.
personal ko po hinatid ang letter.lumapit po ako sa BRGY. para mag pa escort at kasi naka Blotter nga po ako na nanggugulo daw po ako. kapatid ko po ang nag receive at pinaliwanag ko na hindi po demanda ang Letter na dala ko.gusto ko lng po ng pag uusap.
hindi po sila nagpunta. ang lola ko po,kapatid kong babae ay pinakiusapan ako na wag na ituloy at nakinig nmn po ako.nabalitaan ko na lng po na kumuha po sila ng abogado at pinapa void po ang mga kasal.gumastos daw po ng 1million sabi po ng kapatid ko na nakatira kasama nila.
hindi po ako nanggulo o kumilos laban sa kanila.
na stroke po ang lola ko(2011) na nakatira sa akin.ako po ay may sariling pamilya na at may konting pinagkakakitaan lamang.may tatlong din po at lahat nag aaral.hindi ko po talaga kaya ang gastusin sa lola ko.
.humingi po ako ng tulong sa kaniya sa pamamagitan ng txt para maipagamot ang nanay nya pero tumanggi po siya. yung kapatid ko na po na babae ang nakipag usap sa mama namin at ang paliwanag po ng mama ko ay kaya sya hindi makatulong sa lola namin ay hindi po sya ang nagtatrabaho kaya hindi nya daw po pwedeng basta na lang galawin ung pera ng asawa nya. tumawag po yung kapatid kong babae sa saudi at naipaliwanag po sa step father namin ang sitwasyon ng lola ko. sinabi po ang step father namin na magbibigay ng 52 thou. para sa tulong at para maoperahan din po ang lola ko sa sakit na mayoma.
binibigay po sa akin ng kapatid kong babae ang 15k para pang check up at gamot ng lola ko pero hindi ko po tinanggap at sinabi ko po na sila na lng humawak ng pera at magdala sa ospital sa lola ko. naubos po ang 15k sa at may resibo lahat at pinadala ng kapatid ko sa mama namin. sinabi ko po sa mama ko na kuhain nya na lng ang lola ko dahil sya lng amy kakayahan na gumastos sa lola ko pero ayaw nya.lumapit po ako sa BRGY sept 2012 at humarap sya. hindi daw nya makukuha ang lola ko dahil ayaw daw ng asawa nya.sa totoo lng po hindi ako naniniwala kasi mabait po talaga ung step father namin. pero magbibigay n lng daw po sya ng three(3)thousand monthly sa lola ko. hanggang sa ngayon po ay walang natatanggap ang lola ko at ako po ang gumagastos.ayaw na po makipag usap ng mama ko kahit sa kapatid ko. yung dalawang kapatid na lng po namin ang kasama nya at hindi na din po nakikipag usap sa amin.kaya nga po naisip ko na po magdemanda.Hanggang sa ngayon ay hindi alam ng step father namin ang totoong dahilan sa away naming mag ina. Eto po ang buong katotohanan.