attyLLL wrote:please explain the circumstances WHY you gave him these blank checks?
1) yes, the case can continue. it's only if the accused dies when the case is automatically dismissed.
2) you can try after you are acquitted.
3) nobody, because the person responsible has died.
Thank you po sa inyong response.
Eto po ang buong story tungkol sa kaso ko.
Lumapit po sa akin ang mag asawang Dino at Gina XXXXX tungkol sa problemang financial. Wala silang trabaho at nakasanla ang property nila( 130 sq.m LA with 4 doors(unfinished) apartment sa isang tao, Mr. dela XXXX(hindi ko kilala) sa halangang 450K at malapit na daw maremata .Need nila na umutang sa bank para mabayaran si mr. de la pena pero wala silang capacity to pay para mag loan sila sa banko.
Ako ay may magandang trabaho at may negosyo.Lumapit sila sa akin para ako ang magloan using their TCT as collateral.
Ganito po ang kasunduan namin, verbally. Ililipat sa name ko ang property(TCT) nila at iuutang ko sa bank to make it appear na I will buy their property. Lahat ng gastos sa paglilipat ng titulo ay gastos nila.Babayaran nila ang utang ky de la pena at tatapusin yung construction 4 doors apartment nila, pauupahan at duon kukuha ng panghulog sa bank (self liquidating). Dahil sa awa ko sa kanila at wala naman akong nakikitang problema at mababayaran naman nila sa bank ang loan ay pumayag ako.
So yung original titulo na nakasanla ky Mr. de la pena ay kailang hiramin nila para mailipat sa pangalan ko at ma iloan sa bank, pero ayaw ibigay kung walang guarantee. Dahil sa ako ang lumalabas na buyer ay kinausap ako ng mag asawa(dino/gina) na ipahiram sa kanila ang cheke ko parang gawing guarantee ky Mr. de la pena. At isosoli nila pag nabayaran na si de la pena. Kaya yun nga nag issue ako ng blank check.
Ng ma release ang loan(2.1M) sa pangalan ng seller(Dino) ay pinautang nya sa akin ang 300K(pinapirma nya ako na loan ko sa kanya) so 1.8M ang napunta sa kanya. Ang monthly amortization ng 2.1M ay 23K per month for 15 years to pay. Napagkasunduan namin na yung 23K/month ay babayaran naming dalawa proportionate dun sa napuntang pera sa bawat isa sa amin. So yung 1.8M ang monthly ay 20K(share nya) at yung 300k ang monthly ay 3K(share ko).
So every month ay nag dedeposit siya ng 20K sa account ko at debit naman sa akin ng bank ay 23K(including yung 3K na share ko.
Yun checke naman po ay hindi niya binalik sa akin at laging dahilan nawawala daw sa bahay nila at hahanapin pa. Kaya ang ginawa ko nagpunta ako sa banko ko at pina stop payment ko yung cheke nuong Nov. 2007. may record sa banko at may kopya ako na stop payment yun cheke ng Nov. 2007 (exhibit ko ito)
Hindi rin po nasunod na pagawa nila yung bahay apartment kaya duda po ako na duon din sa loan sila nakuha ng panghulog sa banko. Nagbuhay mayaman sila, shopping dito, SM duon, Lotto pa ayon sa nakikita ko at nakikita ng mga kapitbahay.
6 months sila nakahulog sa bank ko at tuloy ang debit ng bank sa account ko. Pero after 6 months lumapit sila ulit at nakikiusap na ibalik ko na lang yung pinautang sa akin na 300K, bayaran ko sa kanila yung mga nagastos sa paglilipat ng titulo(500,000 pesos lahat ang total na sinisingil) at ako na rin ang mag bayad ng utang nila sa banko at iiwan sa akin ang property nila for reason nila na ako na ang tunay na may ari ng property nila dahil sa name ko na nakapangalan.
Hindi ako pumayag sa gusto nilang mangyari at bi narangay ko sila. Ang advice naman ng barangay ay I refer ko na sa legal dahil malaking pera ang involve.
Nag refer din sila sa PAO at sumulat sa akin ang PAO na makipag amicable settlement ako sa sinisingil nilang 500,000 pesos. Hindi ako nag punta sa PAO sa advice ng aking abugado.
Noong Sept. 2008 tumawag ang aking banko tungkol daw sa chekeng na issue ko. Ang payee na nakalagay ay Payable to: Mr. de la pena and/or Dino Garcia at may amount ng 500,000 pesos ang petsa ay Sept. 7, 2008. Dahil wala naman pondo yung account ko ng ganun kalaking amount ay nag bounce at nag penalty ako.
Tapos may natangap akong demand letter kay Dino na pondohan ko daw ang bank for redeposit nya or bayaran ko otherwise he bring the matter to court.
Later on may natangap akong subpoena sa fiscal na nakademanda ako ng estafa at bp 22, I seek the assistance of my lawyer for counter affidavit and denial of the charges.
Nasampa sa korte ang demanda at ngayon nga ay out on bail ako.
Sa ngayon po yung property ay na foreclosed na ng banko dahil huminto na siya ng pagbabayad at na freeze ng banko ang account ko pati ng mrs. Ko. Nasira ang credibility ko sa banko
Malaking kahihiyan ang ginawa nilang mag asawa sa akin sa pamilya ko mga anak ko at relatives.
Ano ba ang nagawa kong kasalanan, tumulong lamang ako at ako pa ang nademanda.
Sa buong buhay ko ngayon lamang ako nakatikim ng ganitong karanasan. Mabuti akong mamayan.
Tanong kop o 1. Wala po akong utang na 500k na pinirmahan papano ako magisue ng cheke sa dalawang tao pa.paano po ako maakusahan ng estafa.
2, wala din po affidavit yun mr. De la pena at never kong nakita sa hearing,
dapat din ba siyang ipatawag sa hearing.
3, ngayon yung asawa ng complainant ang haharap sa next hearing mag karoon kaya ng sympatiya sa kanya ang husgado dahil patay na yung asawa (complainant)
4. bakit po na honor ng bank yung checke na dated
sept 7, 2008 samantalang stop payment na po yun ng
Nov. 2007 at may record na binigay sa aking ang bank. na .
Ako po ay nagsasabi ng buong katotohan at ito din po ang buod ng aking affidavit, mabigyan kayo ako ng tamang hustisya.
Kayo po, ano po ang inyong masasabi, malaki ba ang change ko na ma acquit or ma dismiss ang kaso, sa anong dahilan po.