Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

tulong naman po

3 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1tulong naman po Empty tulong naman po Wed Nov 21, 2012 10:33 am

droj


Arresto Menor

nakabili po kame ng lote sa maliit na halaga dahil po medyo bundok po ang lugar namin. Bale po ung lote ay merong 148 sq meters na pinaghatian namin ng magulang kaya naging tag 74 sq meters kame. Binigyan po kame ng dating may ari ng lote ng waiver of rights and quit claim para po sa tag 74 sq meters na un at inasikaso po namin ang papel ng bawat parte namin. sa ngayun po ay nagbabayad na ako ng tax declaration para sa lupang nabili ko. samantalang ang magulang ko ay tumigil sandali sa proseso. meron na po kaming mapa ng lupa, affidavit ng 2 kapitbahay, cert galing sa barangay at tax declaration nga po sa parte ko.

Nung binenta po sa amin ang lupa na yun ay nanguha ang dating me ari ng portion ng lupa sa bandang likuran na hinde nya pag-aari. Mga ilang buwan po ay nabili nya ang lupa sa likuran namin na dati nyang kinuhanan ng portion. Ngayun po ay gusto nyang bawiin ung portion na dati nyang ibinigay. pinagbabawalan nya po kaming bakuran ung hangganan ng lote namin sa likod at gusto nya po ay iurong namin ang boundary. tapos po nung nagtanim nanay ko ng puno ng buko ay pinatatanggal nya po nung hinde po tinanggal ng nanay ko ay pinatay po nila ung halaman. Tapos din po ung bakal n tinusok nung nagsukat ng lote bilang palatandaan ay tinanggal din po nila at nung binalik namin ay muli po nilang tinanggal. Ano po ang dapat naming gawin, tulungan ninyo po kami. maraming marami pong salamat.

2tulong naman po Empty Re: tulong naman po Wed Nov 21, 2012 5:03 pm

droj


Arresto Menor

hello po advise naman po. marami pong salamat.

3tulong naman po Empty Re: tulong naman po Wed Nov 21, 2012 5:35 pm

shad_marasigan


Reclusion Perpetua

Mahalaga pong ma rehistro ung lupa para po magkaroon kayo ng better title over the old owner kasi un lang ang way para ma recover ninyo ung dati ninyong lupa na napagbili na.

Double Sale po ang nangyari. Under the law mas may karapatan kayo so bilisan ninyo lang po ang pag prorprocess ng rehistro ng lupa ninyo. Araw arawin ninyo po ang pagpunta sa bayan.

4tulong naman po Empty Re: tulong naman po Wed Nov 21, 2012 5:36 pm

shad_marasigan


Reclusion Perpetua

Baka po maunahan pa kayo ng nakabili. Anyway bad faith naman ung nakabili kasi alam naman niang kayo ang nakabili non. Saka mayroon sa batas natin na caveat emptor - beware before you buy.

5tulong naman po Empty Re: tulong naman po Wed Nov 21, 2012 6:11 pm

droj


Arresto Menor

salamat po. sapat na po bang magkarun kame ng tax declaration sa parehong parte namin ng magulang ko? kase po nagtanung kame sa pagpapatitulo medyo malabopo sa ngayun dahil kailangan pa daw po makausap din namin ung katabi naming mga lote na bubuo sa sukat n 450 sq meters para makapag pagawa ng titulo tas saka magpapagawa ng subdivision nung title. masyado po magastos para amin ang pagpapatitulo sa ngayun, sapat na po kung meron kaming tax declaration at updated and bayad?

6tulong naman po Empty Re: tulong naman po Wed Nov 21, 2012 6:17 pm

shad_marasigan


Reclusion Perpetua

Kailangang kailangan ninyo pong matituluhan po yan. Kasi pag may titulo na po kayo, mas may karapatan kayo under the law.

7tulong naman po Empty Re: tulong naman po Thu Nov 22, 2012 10:50 pm

kolokoy7949

kolokoy7949
Prision Correccional

At least try to Register it to Register of Deeds, the Sale that took place, para may habol ka.

8tulong naman po Empty Re: tulong naman po Sat Nov 24, 2012 11:32 pm

droj


Arresto Menor

kahit po ba walang deed of sale pede po iregister dun? kase po ang meron lang kme ay waiver of rights and quitclaim lang po.

9tulong naman po Empty Re: tulong naman po Sat Nov 24, 2012 11:57 pm

shad_marasigan


Reclusion Perpetua

Mejo suspicious ang transaction, walang deed of sale.. Were you aware before the transaction that there is no previous owner other than the seller? If that is the case, you need both to execute a deed of sale. Then pa notaryo mo then un ang magiging basis mo sa pagpparegister.

10tulong naman po Empty Re: tulong naman po Sat Dec 08, 2012 10:23 pm

droj


Arresto Menor

waiver of rights lang po kase ang binigay nung dating owner na notaryado din po.

11tulong naman po Empty Re: tulong naman po Sun Dec 09, 2012 1:07 am

shad_marasigan


Reclusion Perpetua

Mas substantial kasi kung mayroon kayong absolute deed of sale. Then pa register ninyo kasama ng absolute deed of sale na notarised dapat.

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum