sinangla po sa amin ang lupa sa halagang 32,000 nong nakaraang Dec 2011, nong pong sakahang nong nakaraang January 2012 kami po ang gumawa ng bukid. Ngayon pong gawaan na ulit June 2012 ay nalaman naming may nag ararrong ibang tao, tapos nalaman din naman na sinangla nila sa ibang tao ang lupa as halagang 140,000, pero di po nya kami binayaran, gusto po nila kaming lokohin eto po ang kopya ng nireklamo na binigay namin sa barangay: sabihin na lamang po natin na ang mag-ama na nagsangla ay si A & B at ang pinag sanglaan ay si C & D
June 18, 2012
Sa mga kinauukulan,
Nais ko pong ipabatid sa mga opisyal ng Barangay Aduas Centro, ang aming reklamo tungkol kay A at B. Sila pong mag-ama ay kumuha ng Php 32,000 pesos sa aming mag-asawa C at D bilang sangla sa kanilang lupa na nasa Barangay Lourdes, Cabanatuan City. Ang pera pong ito ay kinuha ni A & B noong Dec. 05, 2011 ang kabuuang halaga ng tseke ay Php 36,000 pesos (check# 0280922), pero Php 32,000 pesos lamang ang kanilang kinuha para pang tubos ng lupa. Habang ito ay naka sangla sa aming mag-asawa ay napagkasunduan naming kami ang gagawa at aani ng kanilang lupa. Noong nakaraang anihan ay kami ang gumawa at umani ng lupa, sa katunayan si A & B pa nga ang aming naging BAROK tapos hinatian pa namin si A & B sa lahat ng kita maski wala syang gastos sa bukid 50/50 ang aming hatian samin pa lahat ng gastos. Pero ngayong gawaan na ulit ng lupa ay nalaman naming sinangla nila sa ibang tao ang lupa sa halagang humigit kumulang sa Php 140,000 pesos, ng aming malaman ito ay kinausap namin ang mag-amang A & B para kunin ang pera, ngunit ayaw nila itong ibigay at ayaw din nilang ipagawa ang bukid sa amin. Maraming beses na naming silang kinausap, humingi pa nga ng dalawang linggong palugit si A & B pero ayaw talaga nilang magbayad. Kami po ay tumulong sa kanila tapos ganito pa po ang kanilang isusukli. Ang sa amin lamang po ay maibalik ang pera na kanilang hiniram at kung di nila maibabalik ang pera ay kami ang may karapatan na sumaka ng kanilang lupa hindi ang kanilang pinag-sanglaan. Nais ko din pong ipagbigay alam na ang kanilang lupa ay dating nakasangla kay E (dating pinagsanglaan) at alam po ni E na ang perang pinang tubos nila ay galing sa aming mag-asawa C & D. Gusto po naming ipatawag ang mag-amang A & B para maresolba kaagad ang aming reklamo.
Tanong ko lang po e kung sino ang mas may karapatan kami po ba na nauna o yong pangalawang pinag sanglaan, sa amin po ay maibalik lang ang pera ay ok na pero gusto po e walang yaan ang labanan. Bigyan nyo nga po kami ng dapat naming gawing hakbang para maresolba ito.
Last edited by cerkycalara on Wed Jun 27, 2012 8:51 am; edited 2 times in total (Reason for editing : names)