ako po ay isang empleyado ng isang malaking kumpanya dito sa pilipinas. meron akong napirmahan na kontrata na tumatagal ng 7 years. naka pag silbi na ako ng 6 years and 8 months.
nag file ako ng resignation letter nung marso at ang effectivity date ng aking resignation ay tatagal ng anim na buwan 6 months dahil sa nagpalabas ang POEA ng memoramdum circular na ang aking position ay pasok sa mission critical skills. hindi pa man natatapos ang anim na buwang abiso sinulatan ako ng hr na kailangan i fulfil ko daw ang nasasaad sa aming kasunduan. matapos ang anim na buwan ako ay nagpasyang mag extend ng another 2 months sapagkat ako ay sinisingil ng buong halaga ayon sa kasunduan. nang matapos ang panibagong dalawang buwan ako ay humihiling sa kumpanya na tatapusin ko nalang ang aking kontrata para wala akong babayaran ngunit hindi na nila ako pinayagan pang mag extend pa sa kadahilanang puro daw ako sick leave without pay.kung baga pangit na ang performance ko. sa loob ng isang lingo minsa 3 times aweek lang ako pumapasok o 2 times a week ung iba SL na wala namang bayad.
Eto po ang aking katanungan:
1. ano na po ang maaring mangyari sa aking kontrata? kailangan ko pa bang magbayad sa kanila ng buo? sinubukan ko ng humingi ng pro rated sa aking babayaran d sila pumayag.
2. ako po ba ay maaari nilang kasuhan? willing naman ako tapusin sila ang may ayaw.
sana po ay mabigyan nyo po ako ng kasagutan sa aking mga katanungan...