Magandang araw po sa lahat ng mga Attorneys. Gusto ko po sanang humingi ng payo at kaunting kaalaman tungkol sa isang pagkakamaling nagawa ng kaibigan ko sa kanyang kumpanyang pinapasukan. Nagtatrabaho po sya sa isang finance assistance company. Nagkasakit po ng matindi ang kanyang magulang at naubos ang lahat ng kanilang pera para madugtungan ang buhay nito. Dahil po dito, siya po ay napilitang mangutang gamit ang pangalan ng mga dating kliyente. Sa umpisa po ay maliit lamang po at isang tao lamang po ang kanyang ginamit n pangalan. Subalit sa kadahilanang baon sila sa utang sa pagkakasakit at kalaunang pagkamatay ng kanyang magulang, hindi niya ito nagawang mabayaran. Dahil sa takot nya na malaman ng amo at mawalan ng trabaho, nagbakasakali syang gumamit muli ng panibagong pekeng loan upang ipantapal sa kanyang naunang ginawa habang naghahanap sya ng pera para mabayaran ito lahat. Subalit sa katagalan ay hindi nya kinaya ang malaking interes na umaabot sa doble. Dahil nagkapatong patong na ang interes at utang, dumami ng dumami ang mga di tunay na loan. Ano po ba ang kasong pwedeng maisampa sa kanya? Ano po ba ang kaparusahan kung sakali? Kung demand letter lng po ang kasalukuyang natatanggap nya, maaari po ba syang hulihin na lang ng biglaan kahit wala pa syang natatanggap na subpoena?
Umaasa po ako sa inyo pong ekspertong opinyon sa usaping ito. Maraming salamat po.