Hello. I would like to ask for a legal advice regarding our case. It all started po nung mahuli kong ginagasgasan ng neighbor namin yung kotse ng mother in law ko po. Dinala ko po sya sa barangay at sinabi sa amin na sa police na idiretso. Pgdating po dun, imbis na ituloy namin ang kasong malicious mischief, pumayag po kaming mgpasettle basta bayaran n lng ang participation fee sa pagpapaayos. After a week, pinatawag po kami ng barangay kasi ngfile po ng slight physical injury ung kapitbahay namin.Wala naman po syang medico-legal pero para matapos na lang ang usapin, humingi n lang ako ng dispensa. Ngkaayos na po subalit gumawa po sya ng isang insidente after 6 months. Mgkakasalubong kami at bigla akong hinawi ng asawa ko upang ndi kami mgkabanggaan. Ndi ko po sya nakita dahil karga karga ko ang anak namin. Pinatawag uli ako ng barangay dahil sa ambang panununtok daw. Napagod na po ako sa pagsipot sa mga hearing ng brgy dahil tuwing pumupunta ako ay wala naman pong pinaguusapan.. paulit ulit n lang. Pagkatapos ng ilang linggo my dumating na po na subpoena for unjust vexation and grave threats sa akin. Nakapagsumite n po kami ng counter affidavit at sinampahan po namin sya ng perjury. Ng lumabas ang resolution, nadismiss po ung mga kaso ko po(dahil presecribed na din ung kaso) at umakyat ang perjury dahil nga sa pagsisinungaling nya tungkol sa mga pangyayari. Nasa mediation process po kami ngayon. Gusto ko po itanong kung isesettle po ba namin o ituloy ang kaso. Kung isesettle po, pano po ba yun. Pwede po bang magdemand ng amount n ibinayad namin sa abugado at pati na din danyos perwisyo? Ung abogado po kasi namin dati private lang ngayon my firm na po kaya ndi na po niya kami matutulungan sa kaso. Salamat po n more power.
Free Legal Advice Philippines