Hi All,
Nagbasa ako sa mga previous post, medyo may mga nakuha na din akong sagot, pero nagbabasakali lang po ako na baka sagotin din ako dito.
Awang-awa na kasi ako sa kapatid ko, gabi2x umiiyak at parang nasisiraan na ng bait sa kakaisip.
Kinasuhan po kasi siya ng employer niya ng qualified theft,nung nag usap kami,tinanong ko siya kung ano ba nangyari. Sa pawnshop kasi siya nagtatrabaho, kaya natukso sa pera kaya nakagamit siya ng walang paalam. Hanggang sa nalaman ito ng may ari.
Atty ang tanong ko po, kinasuhan po kasi yong kapatid ko ng qualified theft. ayon sa kanya, nag hearing na daw sila once sa korte, ang sa tingin ko lang na mali ay pinagawa kasi sila ng kasulatan ng amo nila sa harapan mismo daw ng atty at ng judge, na nakasaad doon na pinapaamin sila sa lahat ng nagawa at nakuha nila sa company.
Tama po ba yon? ano po ba ang tamang processo?di ba po dapat, hinayaan muna silang makakuha ng atty at bakit po diretso sa court ng wala man lang natanggap na kung ano mang notice galing sa kanila.
At sa ngayon po, may warrant of arrest na daw na nakahain para sa kanila.
Total amount po na pinapabayaran sa kanila ay 200thou mahigit, nakapagbigay na po kami ng 130k at yong kulang ay pinakikiusapan po namin sila na installment na lang.
pag di po ba napaki usapan ang may ari, talaga po bang wala ng ibang solusyon kundi ang makulong ang kapatid ko?
Maraming maraming salamat po. Bilib ako sa forum na ito at may mga tao pa palang nagbibigay ng libreng serbisyo sa mga gaya naming di kayang kumuha ng private counsel.