Yung pamangkin ko po kasi na three years old itinulak ng kalaro nya na bata din five years old at nahulog anh pamangkin ko sa ilog kaya nagkasugat sya sa ulo at mga gasgas sa katawan. Sobrang natakot po ang pamangkin ko dahil sa nangyari dinala po namin sya hospital para ipacheck kung may bali at sinaksakan po sya ng anti tetano dahil nagsilbing basurahan na ung pinaghulugan ng pamangkin ko. Pwede po ba namin hingan ng tulong pinansyal ung magulang ng batang nagtulak sa pamangkin ko? Maraming bata po ang nakakita ng itulak nya ang pamangkin ko pati narin ung lalaking tumulong sakanya sinabi na itinulak talaga sya nung bata.
Free Legal Advice Philippines