Hi. Good morning. Ako po si Sam, 20 yrs. old. May girlfriend po ako na may paupahan na bahay.1,200 lang po ang upa. wala na po siyang mga magulang.Namatay ang father nya (na siyang humahawak sa paupahan noon) last February. Yung bahay na pinapaupahan niya, fully paid na po nung mamatay ang mother nya years ago. Ang problema po,tumira po yung tenant dun (mag asawa at may isang anak), november 2011 pa. Umpisa pa lang,di na po sila makabayad ng maaus, puro pakiusap. Since mabait naman po father ng GF ko,napapakiusapan naman po siya. Until nung mamatay yung father niya, doon na po mas lumala. 21 years old po ang GF ko. Kaya tuwing maniningil po siya doon sa tenant, magalang siya dahil mas matanda po sa kanya yun,. Since may kabaitan din ang GF ko,napapakiusapan din siya. Last March,nakiusap yung tenant. pumayag naman yung GF ko na half muna ang bayad (500 php).Then dumating ang APRIL, nakiusap na naman na ittxt na lang gf ko pag magbabayad na. Then paulit ulit na lang ganun yung eksena, hanggang dumating ang JUNE, di parin sila bayad at hindi na sila nagttxt. no call, no reply sila sa GF ko. Hinayaan lang ng GF ko yun, until last month (August), tinext nya ulit. wala paring reply. ang ginawa ng GF ko at mga TITA nya, nagpunta sa barangay, at nag complain. Nagbigay siya ng statement sa barangay. Agad naman siyang sinamahan doon sa bahay na pinauupahan niya. Nagulat sila na nakalock ang bahay. nagtanong tanong sila, 2 months na raw walang umuuwi doon. Ang ginawa ng barangay, binaklas nila ang padlock para makapasok,dahil lilipat na sana ang GF ko dun. Naghanap lang sila ng kahit anong document para makuha ang full name ng tenant para formal na ma i file ang complaint. At nakuha naman nila. Then kinabukasan, pinuntahan ng GF ko at tita nya, ung bahay ng nanay nung tenant, hanggang sa nagkausap sila. as usual, nangako na naman na magbbayad. pero sinabi ng GF ko na hangga't hindi nagaabot ng bayad, hindi nila mapapasok ang bahay. (advice iyon ng barangay sa GF ko). Then doon na nagsimulang magbanta ang side nung tenant na magdedemanda ng trespassing sa GF ko.at ngaun, may subpoena na siya for hearing. Sa tingin niyo po ba may laban ang GF ko d2? kasi para sa akin sila na na argabyado,lalo na ang gf ko na ilang araw di nakapasok sa work dahil d2. tapos sila pa nademanda, which looks unfair. Pahingi po advice. thanks.
Free Legal Advice Philippines