may tanong po ako ainyo., about po sa umuupa sa mama ko, hindi po nagbayad ng upa nila pati po ang water at electric bill hindi parin po nakapagbayad,sabi po kasi nila korte lang ang magdedesisyon kung aalis sila o hindi, ipina brgy. po namin sila pero naka 5 na hearing na kami a brgy. hindi parin po sila nagbayad tumakbo na po ang 3 months hindi parin po sila nakapagbayad,bali sa september 10 po tatakbo na ang pang apat na buwan, ang ginawa po ng brgy., binigyan sila ng hangang august 30 para lumipat at makapagbayad samin, ang nangyari po hindi parin sila nagbayad, kaya napagkaunduan po na mag iiwan sila ng gamit para may assurance kami na magbabayad sila, umalis po sila ng august 30 ng 12:00 am, pinatawag po ng mama ko ang brgy. para ma assist sila., hangang sa nagsisisigaw na sila dun at sumagot ang ate ko. nagka pang anim na hearing na po at hindi parin sila nagbayad, kaya sabi po ng mama ko nagbigay na ng demand letter na on or before september 15 dapat magbayad na sila, bali certification na po un, pero hand written ng secretary at pirmado ng brgy. kagawad on duty. ngayon po pinablutter nila ang mama ko at ipinabarangay din nila ang mama ko at ate ko, sabi nila sa letter kung ano ano daw ang masasamang salita ang sinabi ng mama at ate ko sakanila which is sumagot lang ang ate ko sa mga masasamang sinabi nila, sabi pa nila ay nawalan daw sila ng laptop, samantalang hindi namin binuksan ung bahay na tinirahan nila nung kinandado yun at ininventory un ng isa sa staff ng brgy. sa september 15 po ay hearing ulit namin yun po ay pang pito ng hearing.
tanong po;
1. tama po ba na sa certification ng brgy. ay ung kagawad na nagcertify lang ang nakapirma?
2. ano pong dapat naming gawin kung hindi parin sila nagbayad? pwede po ba kami lumapit sa PAU?
3. anong pong gagawin namin dun sa laptop na sinabi nilang nawala, wala naman kaming kinuha, pano po namin mapapatuyan na nagsisinungaling sila?
sana po masagot nyo po ito ngayon, kasi po kailangan po talaga naming maliwanagan. maraming marami pong salamat..