-since matagal na nagtrabaho ang asawa ko sa company na ito, nagtiwala siya na babayaran ang kanyang separation pay ng hulugan sa loob ng isang taon.
- at ang dahilan ng kanyang pagreresign ay palagiang pagkadelay ng sahod. ang asawa ko lang ang nagtratrabaho sa pamilya namin kaya lahat ng gastusin at pagkain namin ay siya ang sumasagot kaya napakalaking problema samin kapag di siya sumasahod.
- at ang tinutukoy na kaso sa kanya ay isa sa mga naging kliyente nya na inaakusahan siyang nakipagsabwatan sa di pagreremit ng sales sa kumpanya sa kliyenteng ito.
( legal ang proseso ng pagkakabenta nya ng produkto sa kliyente na ito, may receipt,company papers at sales details at nairemit sa vicepresident (OIC) at accounting ng company ang lahat ng documents regarding this sale)
( note:sinabi ng vice president sa asawa ko na idirekta sa accounting ang sales para makasahod sila sa buwan na yun dahil itinatago daw ng president ng kumpanya ang kita ng kumpanya para kunwari wala daw pondo para sa sahod. dahil wala naman masama sa paningin ng asawa ko at gusto niyang sumahod, idirekta niya sa accounting since sa lahat naman ay may access ang presidente na may ari din ng company. sumahod sila ng buwan na iyon after makabayad ang kliyente nya.)
ngayon po, pagkatapos po ng diyalogo sa dole. paglabas po sa office ng dole, kinausap po ang asawa ko ng anak ng may ari ng kumpanya, ito po ang kanyang sinabi, " i know you need the money for the hospital bills of your baby, and putting this case on court will just be too costly for your family. we will make an affidavit that you know regarding this illegal transactions but your intentions are in good faith so that we can file a case to the vice president making your signed affidavit as an evidence"
masama man ang loob ng asawa ko,kailangan namin ang pera ngayon dahil di namin mailabas ang anak namin sa hospital dahil wala kaming pambayad (400k ang bill sa hospital), at kung babayaran nila ang pagkakautang nila sa amin, mailalabas namin ang anak ko sa hospital.
tawag po ng tawag yung attorney nila sa amin, hinihingi ang mga bounce check para mapalitan na daw ng bago at mapirmihan na daw nya ang affidavit dahil alam daw nila need na daw namin ang pera at gusto raw nilang makatulong, ano po b ang dapat namin gawin?
sobrang gipit kami ngayon kaya iniisip namin kung lalaban ba kami sa kaso o hinde. malinis po ang kunsensya ng asawa ko. kung wala lang sa hospital ang anak ko, itutuloy namin ito sa nlrc ng di na kami magdadalawang isip tutal naman wala siyang ginawang kasalanan. may company clearance at hinde sya basta ngresign, nagrender pa siya ng 15 days kaya bakit ngayon nila bigla ginawan ng issue ang asawa ko after 9 months ng wala sa company ang asawa ko.
sana po mabigyan nyo kami ng payo.