ako po ay nakabangga ng taxi october last year, wala pong nasaktan na tao nasira lang po yung likod ng taxi, nagpunta po kami sa presinto pero hindi na po umabot sa police report, nagkasundo po kami na ipapagawa ko yung sira. company taxi po sila kaya di po sila pumapayag na ilabas yung taxi kaya napilitan po ako na sa kanila na rin ipagawa sa napagkasunduang halaga. nabayaran ko po yun at binigyan po nila ako ng Afidavit of decistance / quit claim. last week nakatanggap po ako ng subpoena: reckless driving resulting to damage to property. ano po ang gagawin ko, hindi po naka notaryo yung Afidavit of decistance / quit claim, kelangan ko po ba nga abugado or pwedeng pumunta nalang ako basta sa korte at magpaliwanag?
salamat po