Nagpakasal sila ng tito ko (kapatid ng tatay ko) kahit na pareho na silang kasal. Ang tito ko ay kinasal sa una nyang asawa gamit ang pangalang Bernardo, pero napag-alaman nya na sa birth certificate nya ay Bonifacio ang totoo nyang pangalan kaya nang magpakasal sya sa pangalawa nyang asawa ay Bonifacio na ang ginamit nyang pangalan. Ngunit meron siyang affidavit na nagsasaad na si Bernardo at Bonifacio ay iisa. Hindi nga lang po namin alam kung nasaan na ang dokumentong iyon.
Ngayon po ay patay na ang tito ko. Paano po namin mapapatunayan na hindi legal ang kasal nila at masabing walang karapatan ang pangalawa nyang asawa sa share ng lupa ng tito ko dahil patay na rin ang lola ko kung saan nakapangalan ang lupa?
2. May apo ang tita ko na inadopt nila ng tito ko para yung bata ang maging benificiary nya. Ngayon po since patay na ang tito ko ay lahat ng benipisyo ay napupunta sa bata. Ang tanong ko po ay pano po ba ang proseso ng adaption? Pano po namin mapapatunayan ang legalidad ng adoption?
Maraming salamat po sa inyong magiging sagot.