Isa po akong OFW at last year na bakasyon ko, nag apply po ako at nakakuha ng loan sa isang lending company.Hindi ko na po sana kukunin yung loan dahil nagulat kami sa laki ng interest, halos 80% at 12 mos to pay. So bale yung principal loan na 87,500 ay babayaran namin ng 12,300 a month kaya ang total ay aabutin ng 147,600. Eh dahil nga po ang modus ng lending company, irerelease nila yung loan pag paalis ka na at natural na kakapit ka na lang sa patalim dahil kung mag backout ka, pababayarin ka pa din ng processing charges. At bilang co-maker, pinag open nila at pinag issue ng 12 checks ang asawa ko. Pero bago po mag start yung 1st monthly payment schedule namin, nagsara na po Banco Filipino. And advise ng taga lending, ihulog na lang daw namin yung monthly payments sa Cebuana pawnshop. Ginawa naman po namin yun buwan-buwan pero minsan hindi kami nakapaghulog sa schedule kaya nung sumunod na buwan naghulog uli kami na para sa isang buwan. After 2 or 3 months ata, sinabi dun sa lending na dapat habulin namin yung isang buwan para ma up to date ang pagbabayad namin kaya naghulog kami ng doble(26,600). Nakumpleto namin ang paghuhulog hanggang sa huling buwan ng payment schedule. Tumawag pa ang misis ko sa kanila para i confirm na natanggap na nila yung last payment namin.
Now, 4 months after na makumpleto na namin yung paghuhulog sa loan namin, nagtxt at tumawag pa sa misis ko at sa bayaw ko na isa ko ding co-maker at may kulang pa daw kaming 31k plus. Sigurado po ako na nakabayad na kami ng total na 147,600 at nasa misis ko pa ang mga resibo na hinulog nya sa Cebuana. Nagbanta na pag hindi namin binayaran yung sinasabi nilang 31k ay idedemanda daw kaming tatlo ng estafa at bp22, kahit nagsara yung bangko bago pa lang mag mature yung cheke na pang 1st monthly payment kaya nagbayad kami tru cebuana.
Ano po ba ang dapat namin gawin?, andito pa ako sa Saudi at natatakot na ang misis ko at nakakahiya din sa bayaw na co-maker ko din dahil pati siya tinawagan ng lending. Kaya po naman naming bayaran yung 31k pero bakit naman kami magbabayad kung nakabayad na kami ng kumpleto kahit na nga "unconscionable" at hindi na makatao yung interest.
Last edited by yckirRich on Thu Aug 09, 2012 3:14 am; edited 1 time in total (Reason for editing : spelling error)