Hi Atty! Nabangga po ang aming sasakyan ng isang pampasaherong jeep. Pero hindi po ito nai-blotter ng imbestigador nung gabing mangyari ang aksidente (bond paper lang po sinulat). Nalaman lang po namin na hindi ito nka-blotter ng bumalik kami sa presinto (iba ang naka-duty) pra magtanong sa kaso at nagulat na lang po kami na wala sa kanilang logbook ang insidente. Hindi pa po kami nagkikita ng operator ng jeep para makipag-areglo. Sa palagay ko po ay sinasadya pong di kami pagkita kahit humihingi kami ng appointment. Pwede po ba namin idemanda ang imbestigador na humahawak sa kaso namin? Ano po ang parusa kung sakali? At yun driver maliban sa reckless imprudence resulting to damage of property ano pa po ang kaso kapag napatunayan na nagbigay ng lagay sa pulis? Salamat po !
Free Legal Advice Philippines