Hi AttyLLL,
Gusto ko pong humenge ng legal advice tungkol sa lupain ng aking lola na hindi pa nahati sa mga magkakapatid. Ang aking tatay ay isa sa mga anak ng lola na beneficiary ng nasabing lupain. Ang problema po ay magkasunod na namatay ang aking tatay at ang lola nung 2000 at 2001. Nung mga panahon na buhay pa ang aking tatay ay may portion ng lupain sya na sinasaka na parte pa ng lupain ng lola ko dahil binigyan sya ng approval na sakahan eto. Ngunit ng namatay na sila tatay at lola ay bigla nlng kinuha ng aking mga tiyuhin at tiyahin ang lupain na eto at sila na ang nagsaka sa mga lupain na naiwan ng lola..Almost 12 years na nilang na occupy ang mga lupain na eto at di man lng kmi makakasaka sa lupain na eto at hindi din kmi binibigyan ng parte sa anihan o kaya sa pera pag pinapaarendo nila eto sa iba.
Ang aking pong katanungan ay mga sumusunod:
1. May karapatan po ba kming mga naiwan na anak ni tatay at apo ni lola sa lupain na kasalukuyang nasa hawak ng aking mga tiyuhin at tiyahin?Ano ang aming legal na hakbang para makuha namin ang aming parte?
2. Dahil nagasawa ng muli ang aking inay, wala na ba syang karapatan din sa lupain kaya kmi na lamang ang pwede humabol nito?Hindi po sila kasal ng pangalawang asawa nya.
3. Sakaling hindi pa maibenta ang lupain, may karapatan po ba kmi na humenge ng parte sa sakahan o anihan khit na mag tiyahin ko na ang nagsasaka?
Maraming salamat po attylll sa tugon.