Meron po kaming lupa na binili ng nanay ko mid-90s pa, at ang titulo ng lupa ay nakapangalan under my mom's name. Ito rin po ay aming sinasaka with the help of my uncle who is a farmer. Upon seasonal cultivation, most of the expenses (e.g. binhi, patubig, upa sa pagsasaka) are paid by my mom, at ang uncle ko lang ang nag-aasikaso ng pagsasaka. Sa anihan naman po, magkahati po ang sharing nila.
Sa ngayon po, gustong ibenta ng nanay ko ang lupa primarily for financial reasons. Pero ang problema, ayaw po ng uncle ko at pilit nyang sinasabi na may karapatan sya sa lupa namin dahil sya daw ang nagsasaka nito. With all these statements, may karapatan po ba ang uncle ko na pigilan ang pagbebenta ng lupa despite the fact na ang titulo ay nakapangalan sa nanay ko?