Ang land Title po ay 244sqm nasa pangalan ng aking lolo at lola. Namatay na ang lolo ko 14years ago, ang lola ko na lang po ang nabubuhay. May 3 sila anak at PApa ko ang panganay, kaya nung nabubuhay pa lolo ko pinatira na Papa at Mama ko sa lupa dahil ayaw nman ng 2 kapatid ng papa ko. Kaya mula 1979 until now dito na ako lumaki, nagkaisip. Ang Lola ko halos lage sinasabi sa amin na ibebenta ang lupa, kaya ayaw ng aking namatay na ama pumayag noon dahil wala kami ibang matitirahan.
Gusto ng aking lola,tita at bunso na lalaki pErahin, ibenta lahat yung 244sqm at ibigay na share sa amin ay pEra, ngunit ayaw pumayag ng nasira kong papa ang gusto po namin share ay lupa sa tamang paghahati. Tinatago ng bunsong kapatid nila ang title ng lupa. Hindi po Kahit kelan pinakita sa Papa ko hanggang sa namatay ito. Isang kamag-anak nagsabi nailagay DAW kc sa pangalan ng aking papa yung lupa kaya malaki Galit sa Papa kong nung nabubuhay pa. Namatay ang aking papa last Dec 29, 2010 Inatake sa sama ng loob sa magulang nya at kapatid. Kasal po sila ng mama ko. Tanong ko po Atty?
Bakit sinasabi po ng lola ko na 20 sqm lang share ng aking papa?
Pag patay na po ba lumiliit ang share sa lupa?
May karapatan po ba kami ng mama ko at ng 1 kong kapatid sa share ng papa ko kahit namatay na sya?
Kung nailagay po ba ito ng lolo ko sa pangalan ng papa ko NOON at nakamatayan na din ng LOLO ko na hindi nai FILE sa Register of Deeds, Paano ko po malalaman Atty? wala po kami hawak na titulo? Patay na din po yung abogado ng LOLO ko at ayaw pakita ng tito ko mga documents.
Pwede po ba kami pumunta sa REgister of Deeds? ano po sasabihin para malaman po ang totoo?
At mula nung namatay ang LOLO ko nung 1994 until noW hindi pa po nababayaran Amilyar ng lupa. Wala na pakelam mga LOLa,Tita at Tito ko sa amin, basta after nila LUPA lage sinasabi ibebenta. Pero Ayaw pakita titulo ng lupa.
Sana po ay may kasugatan po kayo sa aking problema. Maraming Salamat po at more blessings!