Noong Disyembre 2004, humiram ang aking mga magulang ng 15,000.00 piso at nakasaad sa kontrata na kanilang pinirmahan na ang tubo o interes ay ang upa ng isang kwarto ng bahay na halagang isang libo (1,000.00 piso) kada buwan. at kasabay nito ay ang pagsangla ng nasabong kwarto sa kanila. at matatapos lamang ang kontrata kung tuluyan ng maibalik ang kabuuang pera na 15,000.00 piso. May mga buwan na patuloy na hindi nababayaran ng aking mga magulang ang interes na 1,000.00 kada buwan, sapagkat na gagamit nila ang upa ng bahay sapagkat wala silang ibang source of income. Ilang beses na pina-renew ng pinaghiraman ng pera ang kontrata sa kada taon. idinadagdag ang mga hindi nabayarang interes sa principal na amount. Hanggang sa ngayon na umabot na ito sa 102,000.00. Sa kasalukuyan ito ang perang aming pananagutan na nakasaad sa kontrata. Napakalaki na po nito kung ikukumpara sa initial na amount na 15,000.00. Nararapat pa po ba naming bayaran ang ganitong halaga? Ano po ang dapat naming gawin?
Salamat.