Hihingi po sana ako ng tulong sa inyo. Kailangan ko po ng advice niyo dahil ako na po ang tumatayong tatay sa pamilya namin. 23 years old lang po ako at panganay sa 3 magkakapatid.
Nung nabubuhay pa po ang papa ko, may umutang po sa kanyang teacher para magpagawa ng bahay. Dahil meron po kaming hardware noon, ung mga supplies po ang inutang at ang pagpapagawa dahil contractor din po ang papa ko. Worth 100k po lahat ng nagastos. Year 2003 pa po ito at hanggang ngayon ay hindi parin nababayaran.
Ang pangalawa po ay ibinenta ng papa ko ang mga truckings at equipment niya sa isang buyer dahil sa nagdeclare na siya ng bankruptcy sa hardware namin, hindi pa po buo ang pagbayad at ngayon ay may natitira pang 120k na utang yung bumili. Noong 2007 pa po ito.
Ano ano po ba ang unang step na dapat kong gawin. Ako na lang po ang inaasahan ng pamilya ko at ang dalawa ko pong kapatid ay nag aaral pa. Wala po talaga akong kaalam alam.
Salamat po.