Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

CHILD SUPPORT

+6
Baby_Pinky
princegee_25
concepab
lambengco888
attyjoyce
Deren29
10 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1CHILD SUPPORT Empty CHILD SUPPORT Fri Jul 13, 2012 11:29 am

Deren29


Arresto Menor

Hello po! Gusto ko lang po sana magtanong kung ano po ang tama kong gawin. May isa po akong anak pero hindi po kami kasal ng lalake, pro yung anak po namin nakaapelyido sa kanya. Mag aanim na taon napo yung bata at kada hihingi po ako ng sustento dahil nahihirapan po ako lage po nga sinasabi na wala syang trabaho. Sa pagkakaalam ko po pinapadalan sya ng nanay nya ng sustento buwan buwan, ano po ba ang dapat kong gawin? Sana po matulungan nyo po ako. Salamat po.

2CHILD SUPPORT Empty Re: CHILD SUPPORT Fri Jul 13, 2012 12:52 pm

attyjoyce


Reclusion Perpetua

Hi Deren29.

May karapatan kang humingi ng sustento para sa inyong anak. Una, pwede ka gumawa ng demand letter para sa paghingi ng support. Kung hindi pa rin sya sumunod, pwede ka na magfile ng civil case for support. Kung gusto mo naman ng criminal action, pwede ka rin magfile ng violation of RA 9262 o Violence Against women and their Children.

For more free legal information about Family Laws, please visit www.domingo-law.com

http://www.domingo-law.com

3CHILD SUPPORT Empty Re: CHILD SUPPORT Fri Jul 13, 2012 2:28 pm

Deren29


Arresto Menor

Minsan na po ako nag punta ng baranggay at nag file para takutin lang sya dahil ayoko naman po sana na gawin yon dahil para narin sa bata, pinag usap po kami don at sinabi nya na magbibigay lang po sya pag may trabaho sya pro siguro po mga ilang beses lang sya nagbigay ng 3 libo isang buwan tas pag hihingi po ako ule sinasabi nya na po wala na sya trabaho, hanggang ngayon po wala syang trabaho. Pangatlo po ung anak namin na anak nya may iba pa po syang anak 3 puro po panganay at hindi rin po nya sinusuporahan kaya pinanghihinaan po ako ng loob.

4CHILD SUPPORT Empty Re: CHILD SUPPORT Fri Jul 13, 2012 2:29 pm

Deren29


Arresto Menor

Kung wala po ba syang trabaho wala po ako karapatan manghingi? Pano po kung hindi sya talaga naghahanap ng trabaho dahil may dumadating naman po sa knya?

5CHILD SUPPORT Empty Re: CHILD SUPPORT Fri Jul 13, 2012 3:18 pm

attyjoyce


Reclusion Perpetua

In my opinion, ang nakasaad lang sa batas ay "in proportion to the resources of the giver", kaya maaring sa lahat ng pinagkukunan ng pera ng tatay, hindi lang sa trabaho.

http://www.domingo-law.com

6CHILD SUPPORT Empty Re: CHILD SUPPORT Fri Jul 13, 2012 4:48 pm

Deren29


Arresto Menor

maraming salamat po...

7CHILD SUPPORT Empty sustento Sat Jul 14, 2012 8:12 am

lambengco888


Arresto Menor

AKO po ay may dalawang anak ngunit magkaiba ang kanilang ina. Kasal po ako sa ina ng ikalawa kong anak. nabasa ko po ang article ng journalonline tungkol sa sustento. sa inyo ko po nalaman ang "Samakatuwid, ang halaga ng suporta na dapat ninyong matanggap sa iyong asawa ay nakadepende sa pinansyal na kakayahan ng inyong asawa at gayundin sa pangangailangan ninyo at ng inyong anak." ANG tanong ko po kung nakasaad po ba sa batas na dapat buwan buwan ako magbibigay ng supporta sa aking unang anak? (Hinde po kmi kasal ng unang ina) dahil narin sa pinansyal na problema okay lang ba na basta magbigay ng supporta sa loob ng isang taon?

Lubos na gumagalang, mike
Maraming Salamat

8CHILD SUPPORT Empty Re: CHILD SUPPORT Sat Jul 14, 2012 8:25 pm

concepab

concepab
Reclusion Perpetua

lambengco888 wrote:AKO po ay may dalawang anak ngunit magkaiba ang kanilang ina. Kasal po ako sa ina ng ikalawa kong anak. nabasa ko po ang article ng journalonline tungkol sa sustento. sa inyo ko po nalaman ang "Samakatuwid, ang halaga ng suporta na dapat ninyong matanggap sa iyong asawa ay nakadepende sa pinansyal na kakayahan ng inyong asawa at gayundin sa pangangailangan ninyo at ng inyong anak." ANG tanong ko po kung nakasaad po ba sa batas na dapat buwan buwan ako magbibigay ng supporta sa aking unang anak? (Hinde po kmi kasal ng unang ina) dahil narin sa pinansyal na problema okay lang ba na basta magbigay ng supporta sa loob ng isang taon?

Lubos na gumagalang, mike
Maraming Salamat

Q:ANG tanong ko po kung nakasaad po ba sa batas na dapat buwan buwan ako magbibigay ng supporta sa aking unang anak?

A: Yes. Payment shall be made within the first five days of each corresponding month.

9CHILD SUPPORT Empty Re: CHILD SUPPORT Sat Jul 14, 2012 10:39 pm

princegee_25


Arresto Menor

good day po.. seaman po ang tatay namin mag kakapatid mag mula po nung namatay ang nanay namin 2 years ago hindi na po kami binigyan ng suporta ng tatay ko hindi ko po alam kung paano ko mabubuhay ang dalawa kong kapatid 15 yrs old at 9 yrs old po ung dalawa, sa huling pag uusap po namin ng tatay ko susuportahan lng daw nya ang mga kapatid ko kung ibibigay daw po sa kanya at dadalhin sa davao ang dalawang bata kaso wala naman mag aalaga at galing na po doon 3 yrs ago ang mga kapatid ko walang nag aalaga pinabayaan at walang kasamang mag aalaga sa kanila sa bahay, kasalukuyan po kaming naka tira saming lola sa cavite ngayon sinubukan ko na pong lumapit sa OWWA at nakipag ugnayan na po sila sa opisina ng tatay namin at pinayuhan din po ako sa OWWA na mag file daw ako ng reklamo sa public atty sa pasay ano po ba ang pwede kong gawing reklamo? may mkkha pa po ba kaming suporta sa tatay ko na nasa barko? pls po tulungan nyo po ako.

10CHILD SUPPORT Empty Re: CHILD SUPPORT Fri Oct 19, 2012 8:36 pm

Baby_Pinky


Arresto Menor

Good day po...
Ako po ay niloko ng asawa ko.. Habang ngtratrabaho po xa sa Boracay ay ngkaron po xa ng relasyon sa isa sa mga katrabaho nya at nabuntis nya po ito at ang alam ko po ay ngsasama na cla ngayon... Pwede ko po ba clang kasuhan sa ginawa nya sa akin?.. At pwede rin po ba ako
mgdemand ng sustento sa knya dahil po wala nmn po ako trabaho at may 2 po kaming anak at un isa po e special child...
Gusto0 ko po sanang malaman kung ano po ang aking gagawin para mkpgdemand ng continuous na suporta para sa mga anak ko na hindi ko na po kailangan na lagi syang itetext para lng suportahan ang mga anak nya...

Sana po matulungan nyo po ako..
Marami pong salamat salamat..

11CHILD SUPPORT Empty Re: CHILD SUPPORT Wed Jan 09, 2013 7:08 pm

attyjoyce


Reclusion Perpetua

Hi Baby_Pinky

Karapatan ng mga anak mo na suportahan sila ng kanilang tatay lalo na't may trabaho naman pala siya. Una, pwede ka gumawa ng demand letter para sa paghingi ng support. Kung hindi pa rin sya sumunod, pwede ka na magfile ng civil case for support.

Since may ibang kinakasama na ang asawa mo at nabuntis pa nya ito pwede mo sya idemanda ng concubinage.

For more free legal information about Family Laws, please visit www.domingo-law.com

http://www.domingo-law.com

12CHILD SUPPORT Empty Re: CHILD SUPPORT Fri Jan 11, 2013 11:20 am

Angel Co


Arresto Menor

Good day!

I have a daughter and she's using her father's surname hence we're not married. He's actually supporting our daughter and we're staying in their house since I gave birth to my daughter. The issues: I need to get out of that house and I want to take my daughter with me because I can't take anymore the emotional abuse and I really want a peace of mind, It's been three (3) years, nung una po okay naman, accepted ko po na babaero sya, meron dito meron doon. Minahal ko po sya sa kabila ng panggagago at panloloko nia. As time passes by, lalo lang po nagiging complicated ang lahat. Magkakaayos kami tapos hindi na naman. Paulit ulit lang po. Ngayon kasama pa pamilya nia sa mga issues namin. They never treated me right and even up to the respect issue, they never respected me. Yung tipong sa lahat ng maling ginagawa ng anak nila which is the father of my daughter, ay kinukunsinti po nila. Hinahayaan nilang magdala ng babae yung anak nila kahit na doon po ako nakatira. Kabastusan na po yun di ba? Hinayaan ko po lahat yun at inintindi. Pero may katapusan naman po siguro ang lahat. Kung hahayaan ko lang naman po sya at iiwan ng wala man lang settlement ng lahat, he can always turn his back at us, ang suwerte naman po nia di ba? All I want is to secure my child's support with him, I just don't want us to talk and settle things right then and there and then what comes next, he can break his words anytime and I can't depend or just trust his words. Gusto ko po ng kasunduan at kasulatan na hindi sya mangkukulang sa support nia sa anak namin. I want his full responsibility and support with our daughter. Although ngaun po nagsheshare naman kmi sa lahat kung sino meron sige sya bahala. Pero ngayon po all I want is his full support when we leave his house. Hindi ko po kasi kakayanin kapag ako lang magisa. I have a son also with my first man at ako lang po ang inaasahan ng son ko. Magaaral na po sya this year at hindi ko na po kaya pag dalawa na sila ng daughter ko ang isusupport ko. Kaya po please I need your advise regarding this matter at kung ano po ang pede kong gawin para sa ikabubuti ng daughter ko. Maraming salamat po and more power.

13CHILD SUPPORT Empty Re: CHILD SUPPORT Tue Jan 15, 2013 2:53 pm

Angel Co


Arresto Menor

bakit po walang nagrereply sa message ko?? :-(

14CHILD SUPPORT Empty Re: CHILD SUPPORT Tue Jan 15, 2013 4:46 pm

raheemerick

raheemerick
Reclusion Perpetua

mag kano ba need nyo mga sustento? ako na mag bibigay. hehehe Smile char:)

15CHILD SUPPORT Empty Re: CHILD SUPPORT Tue Jan 29, 2013 9:09 am

ri_martinez12@yahoo.com


Arresto Menor

Hello,

Meron po akong anak na lalake 10 years old n po siya ngayon. Noong ipinanganak ko po siya noong Mayo 12, 2002, naka-pag migrate na po ang ama niya sa states kaya, hindi last name ng Ama niya ang dala ng anak ko ngayon. nasa last name ko po. Tanong ko lang po sana kung may karapatan po ba akong humingi ng child support sa Ama niya since hindi naman naka-apelyedo sa kanya ang anak namin? Gusto ko rin po malaman kung ano pa iba kung karapatan para sa anak ko po.

Maraming salamat po!

Rose


16CHILD SUPPORT Empty Re: CHILD SUPPORT Tue Jan 29, 2013 2:43 pm

attyjoyce


Reclusion Perpetua

Hi ri_martinez12@yahoo.com,

If you can prove that he is the real father of your son, then you can file a petition for child support. By the way, is the father of your son signed any document, like “acknowledgement of a child”?

For more free legal information about Family Laws, please visit www.domingo-law.com

http://www.domingo-law.com

17CHILD SUPPORT Empty Plssss.. Need help! Mon Jul 16, 2018 1:57 pm

Nie04


Arresto Menor

supportGudday po.. Hihingi lang po sana kame ng advice.. Ung live in partner ko po kc ngyun nireklamo ng kanyang ex livein partner dahil sa child support. May 3 silang anak.. Kame naman po ng live in ko ay may isang anak 2 yrs old. Nagsusuporta naman po ung live in ko sakanila dati nahinto lang po nung nanganak ako sa firstbaby namen dahil sa d n po tlg kaya ng live in ko dahil sobrang kinakapos dn po kame dahil sa liit ng sahod nya. D nadin po cla nagparamdam samin .After 2yrs bglang dumating ung ex nya at nagsampa ng reklamo sa POA nagulat nalang kme may dumating n letter. At ang gusto nya po mangyare 3000 a month ang ibgay saknya na hndi nman po kaya ng live in ko dahil halos 4k lang sinasahod nya. Last day n po ngyun ng live in ko sa trabho. Ano po ba dapat namen gawin. Ayaw po kasi pumayag ng ex nya n kung magkano lang yong kaya namin. Gusto po kasi nya siya ung masusunod sa amount. Pano naman po kame at ung anak ko na pinapagatas ko din
Sana po matulungan nyo kame kung ano dapat gawin. Maraming salamat po

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum