Gusto ko lang po humingi ng advice tungkol sa utang.
Nagpautang ako ng halagang 150,000 pesos, na ang collateral ay ang kanyang bahay at lupa na tinitirihan sa payatas.. pero ang usapan po namain ay babayaran nya po ung hiniram nya na pera within 2 years... na me interest na 10% for the first 12months.. at kapag hindi nya pa rin po nabayaran ung capital loan at ung 10% na monthly interest eh.. ung susunod na month is the 13month.. eh magiincrease po ung interest na 15%..
at kapag hindi pa po nya nabayaran ung capital at interest eh.. mareremata sakin ung bahay at lupa.. and kaso po kasi eh.. hinihigi ko or kinocollect ko ung interest nya na monthly
currently po kasi hindi na nya nagagampanan ung responsibilidad nya na bayaran ung interest na 10% monthly..
mga 6 months na po syang hindi nagbabayad.. humihingi sila ng kundisyon na ibaba ko na lang daw ung interest.. ang sabi ko naman eh.. okay.. payag ako.. pero bayaran na muna nila ung current na payables nila sa interest.. then ibaba ko ung interest..
ang nasa isip isip ko lang po eh.. magkakaproblema po ba ako in the near future.. kung sakali magkaproblema ako sa paninigil at dumating ang panahon na baka dumating sa korte ang usapan?
A quick note.. me kontrata po at notarized sa isang law office dito sa QC ang transaction na hoping po sana eh maayos at malinaw ang usapan namin nung nangutang..
Sana matulugan nyo po ako