early this year po hinire po un asawa ko sa kumpanya. nagstart po magkaroon ng issues sa trabaho un kapatid nya against sa asawa ko.
ngayon po inoofferan nila un asawa ko to take his time til he finds a new job.
pinirata po siya ng kapatid nya. under his contract, regular employee po siya dahil po isa un sa hiningi nya dahil sakto pong nun pinirata sya magiging regular na din siya dun sa dati nyang work.
humingi na po ng evaluation un asawa ko. ayaw po nila gawin. instead, kinausap nga po sya at inofferan na maghanap na siya ng ibang trabaho and to take as much time. they also expressed that they have no issues with his work. it is more of a personal issue between sa kanilang magkapatid.
gusto po sana namin malaman kung paano po bang dapat namin gawin? ayaw na din po kasi sana namin mainvolve sa company after everything dahil marami din po silang hindi magandang ginagawa sa ibang empleyado like not honoring kung ano po un mga nasa contract ng mga empleyado. baka po kasi makasama kami sa demanda kung sakaling meron lumaban sa kanila.
isa pa po is ano po bang options ng asawa ko sa offer nila? ang problema po kasi sobrang baba ng ng morale nya sa trabaho. gaya nga po ng sabi, hindi naman po kasi un trabaho un issue. personalan na po un pag atake sa kanya.
concerned din po kasi kami dahil kapag po shempre lumipat nanaman siya ng trabaho magiging probi nananamn siya. pinaghirapan po niya un pag regular sknya sa dati nyang work. nagkataon po pinirata siya at ginawa din regular. ang problema po ngayon e bigla naman siyang gustong tanggalin dahil lang sa personal na issue ng kapatid nya.
meron po ba kaming habol sa ginagawa sa kanya sa ngayon?
ayaw na din po kasi nyang pumasok dahil nga iba na un pakiramdam nya sa office especially nasabihan na siya na ayaw na tlga sknya ng kumpanya. kapag naman po nag resign sya wala po siyang makukuha. hindi din naman po siya inoofferan ng separation pay.