pa-advice naman po.. may maliit na negosyo po ako about tshirt/singlet printing.. independent company lang po kmi at dumidepende sa online marketing. taga-cabanatuan city po ako, pero may mga naging customer po kami mula ibang lugar, tulad ng baguio, pangasinan, makati, angono rizal, ako po ang naghahanap ng customer sa internet, gumagawa po kasi kami ng singlets na ginagamit sa mga fun run. may nakilala po ako, online din, may patakbo sila, in partnership with Camella for the benefit of red cross, 9 different locations po ito, 15thousand pieces daw na singlet with print ang kailangan dahil nga po 9 events ito.. kaya isinagad ko ng baba ang presyo kasi wholesale naman.. usapan po namin nung una, 50percent down payment, 50 percent prior to delivery.. ang delivery po ay via baliwag transit at ipipick up sa cubao.. may signed agreement po kami nun. ang initial order po nya ay 1,000 pieces. nagdown po sya ng 50percent.. nung natapos po namin yung singlets, ang sabi po nya, kung pwede 3days after the event which was april 14 babayaran para daw nakuha na yung proceeds from the event. pumayag naman ako.binago namin ang mode of agreement na 3 days after each event ang bayad ng mga oorderin nya.. tumagal po ng tumagal, hindi pa nya nabayaran. sabi nya wala pa daw na-release na bayad ang camella, since camella daw ang sponsor nito.. pero may request naman na daw po at pinaprocess na ito.. nagtiwala pa din po ako though at the back of my mind ay duda na ako.. kumontak po sya ulit at nagpagawa ng 500 pa, urgent lang daw para sa next event nila. nagbigay sya ng down payment para dito assuring me that the balance of the previouys order at itong sumunod ay maibibigay 3 days after this event. nagtiwala na naman ako. after sending him the 500pcs singlets, nahirapan na po akong kontakin sya. he seldom replies to my texts, never answers my calls, pati emails, at yung website nya, suspended. nalaman ko din po na binayaran na pala ng camella in cash lahat ng expenses for the event beforehand. nagtetext pa din po sya once in a while, puro sinasabi, i am generating funds, be patient. 3 months na po yun, total debt po nya is 55,000 pesos. hnd naman po pwedeng hintayin ko na lang sya magbayad kasi may mga payables din ako. ano po ba mainam na gawin ko? patulong naman po.