itatanong ko lang po kung ano po ang dapat kong gawin at ang karapatan ko kung meron po ba. kc po ang napangasawa ko po ay may "legal" ngayong kasal sa unang asawa nya. ang kasal po nila ay noong 2002, un po ang nakasaad sa papel nila, pero peke po ung kasal na iyon kc hindi naman po talaga sila ikinasal sa simbahan na iyon. sa madaling salita po ginawan lang po ng paraan ung marriage contract nila para po ma submit sa trabaho ng babae para hindi sya matanggal sa trabaho dahil po sa buntis na ang babae at ayaw panagutan ng asawa ko noon. hindi po naka rehistro ang kasal nila dati. pero noon pong 2008, nagpalit po ng may ari ang kompanya ng babae, pinilit po ng babae ang nanay ng asawa ko na tulungan para mapa irehistro ang kasal kasalan at pekeng papel nila, at na rehistro naman po. nakakuha pa nga po kmi ng kopya ng pekeng kasal nila sa NSO.
ang tanong ko po ano po ba ang habol ng babae sa asawa ko ngayon? may anak na din po kmi at ikinasal po kmi ng legal sa singapore noong 2010. puede po bang ipawalang bisa ang kasal nila sa NSO gayong wlaa naman talagang ikinasal na mga ganung pangalan sa simbahan na iyon? nang gugulo po kc ang babae ngayon. iniisip ko po sanang ipaalam din sa kompanya ng babae na nanloloko lang sya na kasal sya pero peke naman po talaga ang papel nya. ano po ang kasong puedeng isampa sa knila kung meron man po? legal po ba ang kasal namin ng asawa ko dito sa singapore kung peke naman po ang kasal na nakarehistro sa NSo sa pinas?
sana po ay matulungan nyo ako sa aking problema