Good Day po, bago lang po ako dito sa site. Married po ako for 13 years (pero 19 yrs na po kami ng asawa ko) may 2 anak, 17 yrs old at 12 yrs old, ngayon po ay 5 months pregnant po ako. Nitong nkaraang mga buwan, nagbago ang asawa ko, nalaman ko, inamin nya na may iba na sya. Sa kabila po ng willingness ko ayusin, sa part nya wala po syang balak hiwalayan yung iba nya, hinihingan nya ko ng panahon.
Nagdesisyon na po ako na humiwalay, di dahil gusto ko kundi yun ang gusto nya. Ngayon po, gusto malaman ano pong unang hakbang na gagawin ko, gusto ko po ng legal child support na in written para malinaw po. Minimum wage earner po sya, paano po ang gagawin ko. Pls. pa advice po.. salamat po