Hindi po kame kasal ng babaeng nag sasabi na nabuntis ko. Gusto po niya I pa abort ang bata na labag sa kalooban ko dahil 1.) Hindi kaya ng konsencya ko.
2.) Hindi po ako sigurado kung ako ang ama.
Eto po ang mga katanungan ko:
1.) Maari po ba ako makulong kung susuportahan ko ang plano nya ipalaglag ang bata?
2.) Paano po pag nagkaroon ng kumplikasyon ang operation na maaring maging dulot ng pag kakasakit ng babae o pag kamatay, maari po ba ako masampahan ng kaso o makulong?