nangutang po yung asawa ng pinsan ko sa nanay ko ng halagang 20,000 sa dahilang nakadispalko ang asawa nya ng pera sa work. kung hindi daw po mababayaran ito agad e mawawalan po ng trabaho ang pinsan ko. dahil naman po sa awa ng nanay ko, pinahiram po nya uto ng pera. nangako po ang asawa ng pinsan ko na ibabalik din agad ang pera after 1 week dahil parating na ang bonus ng asawa nya. after 1 week, tinanong ng nanay ko kung pede na makuha ang inutang nila na pera. pero ang sagot ng asawa ng pinsan ko e hindi pa daw nila maibibigay ang pera kc hindi daw dumating ang bonus. dahil po dito, napagkasunduan na lang nila na patubuan na lang muna ang pera habang hindi pa ito nababayaran. nagstart po ang utang nila ng november 2011. sa halagang 20,000 na utang nila, 5,000 lang po ang nabawas sa capital. nagbayad lang po sila ng 3 months interest from december 2011 until february 2012.dahil po dito kinausap sila ng nanay ko na kung pede e bayaran na nila yung utang nila kahit po hindi na nila bayaran ang mga nagdaan na interest kc po ay kailangan na din namin yung pera na inutang nila. bayaran na lang po ang balance na 15,000 para po matapos na ang usapan. nangako po sila ng may 15,2012 nila babayaran at gumawa pa sya ng promissory note ngunit hindi din naman po nila ito tinupad.tnxt sila ng nanay ko para maningil ulit pero sila pa yung galit. madami silang sinabi sa txt na hindi maganda at yun po ang ikinasama ng loob ko. ang nanay ko na ang tumulong at nagpaluwag sa kanila pero parang lumalabas pa na masama. may mga sinabi din po na personal na bagay laban sa pamilya namin lalo na sa akin.at nanakot pa sya na ipabarangay ko na lang daw sya at dun daw kami magharap. dahil po dito, ipinabarangay ko nga sya, kinausap ko ang kapitan na kung pede e pagharapin kami dahil hindi sya nagbabayad ng utang. nung nalaman nya na ipinabarangay ko sya lalo syang nagalit sa akin dahil nabalita daw na sya ay may utang. at ako pa daw po ang kakasuhan ng public scandal dahil sa ginawa kong ito. at sa akin pong palagay, naging bias ang kapitan dahil may mga testigo daw po na katunayan na sinira ko daw ang image nya sa harap ng kapitan. eto po ang tanong ko, matatawag po na public scandal ang pagrereklamo sa barangay? ano po ang kaso na pede kong makuha sa ganitong sitwasyon? at ano naman po ang pede kong isampang kaso laban sa kanya sa hindi nya pagbabyad ng utang? pasenya na po kayo kung masyado pong mahaba ang aking kwento. first time po kc na nangyari ito sa pamilya namin at hindi ko po kaya na tumahimik na lang. inaasahan ko po ang inyong advice. maraming salamat po!