ang dati ko pong karelasyon, naghiram po sya sa akin ng ilang beses na pera 3000 saudi riyal, 6,000 saudi riyal para po pampagamot ng mama nya. kaso po mag isang taon na ang nakakalipas pero ayaw na po talaga ako bayaran. at ang sinasabi pa, wala syang pinirmahan na papel at di nya daw alam ang tungkol dito. yong 3thou po may receipt ako pinadala ko sa tiyahin nya at yong 6thou po nakafile as cash advace sa pinagtratrabahuhan ko at attachement po yong pagka aksidente ng mama po nya. ano po ba pwede ko ikaso sa kanya dahil kailangan ko po yong pera dahil 4 na buwan na po anak namin kahit piso hindi po sya nagbibigay sa akin. sana po matulungan nyo ako. May iba na rin po sya kinakasama to think kasal po kami dito sa saudi pero ayaw na po nya ito kilalanin ngayong andito kami sa pilipinas. pwede po ba ninyo ako tulungan sa mga case na pwede ko isampa skanya para managot sya sa panluluko nya sa akin. salamat po.