Good day po, gusto ko lang po magkahingi ng advice sa problema ko, nung Jun 2011 po umuwi po ako ng pilipinas bilang ofw ng permanente dahil po sa hindi na po ako fit to work dahil sa sakit ko sa buto, ngayon po nung pag uwi ko po sa bahay ng magulang ko, dala ko po ang mga gamit ko nung ako ay nasa ibang bansa pa, nung Feb 2012 pina alis po ako ng mga magulang ko sa bahay nila dahil sa mga gulong nangyayari sa aming dalawa ng nakababata kong kapatid, dahil kahit po hindi ako fit to work sa ibang bansa o sa profesion ko, pinilit kong mag katrabaho dito sa pilipinas, ngayon nung ako po ay pina alis sa bahay ng mga magulang ko, hinakot ko po ang gamit ko palipat sa uupahan ko na bahay, kaso po nung pagbalik ko po para kunin ang iba ko pang gamit, pinag saraduhan ako ng pinto ng mga magulang ko at samakatuwid naiwan pa ang iba kong gamit, kinausap ko sila ng maayos para makuha ko pa ang iba kong gamit, ngunit sinasabi nila na bayaran ko muna daw ang bill sa kuryente bago nila ibigay ang gamit ko, ngayon po humingi po ako ng tulong sa barangay counsel, nung nagkaharap harap na po sa lupon, sinabi mo ng tatay ko, na benenta po daw nila ang computer ko, yun po kasi ang gusto kong mabawi dahil nandoon po lahat ang aking mga documento at mga files, ang tanong ko po, may karapatan po ba sila na i-hold at ibenta ang gamit ko lalong lalo na po ang computer ko na nastore po ang lahat ng mga dokumento ko? at ano po ang magandang gawing hakbang upang mabawi ko po ang mga gamit ko sa legal na paraan? tulung naman po, malaking torture na po ang ngyayari sakin mentally saka isa pa po,ang tatay ko po ay nag threat sakin na "Sisingilin kita sa ibang paraan" pwede ko po bang gamitin ito pang proteksyo sa sarili ko? alam ko po na masyadong magulo ang nangyayari sa buhay ko lalo na sa buhay pamilya ko, kaya po humhingi po ako ng tulong sa inyo. ngayon p lang po ay nagpapasalamat na po ako sa inyo.
Salamat,
Mark
Last edited by markminardo on Wed May 30, 2012 6:13 pm; edited 1 time in total (Reason for editing : mis-spell)