Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

ano ang karapatan ng caretaker sa lupa?

4 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1ano ang karapatan ng caretaker sa lupa? Empty ano ang karapatan ng caretaker sa lupa? Sat May 26, 2012 6:30 pm

geminigurl


Arresto Menor

ako po si kaye may asawa at nakatira kmi sa bahay na ipinamana ng aking lola at siya ang kauna unahang caretaker ng lupa na tinitirikan ng aming bahay ngunit ang aking lola ay pumanaw na kya ipinamana sa skin ang bahay nung elementary palang po ako ang mama ko ang namamahala sa iniwan ng aking lola dahil akoy bata pa noon ang mama ko ang pangalawang caretaker ng lupa na tinitirikan ng bahay na ipinamana ng aking lola nung akoy nag asawa na inilipat skin ang pagiging caretaker ng lupa kmi po ng pamilya ko ay kasalukuyang nakatira dito ngunit ang may ari ng lupa ay pinapalipat kami ng walang ibibigay na pera kahit man lang pampagawa sinabi sa akin na kasalanan ko dahil nagpaganda kmi ng bahay iliipat kmi sa mismong lupa ng may ari ngunit gusto ng maya ri na gibain ang buong bahay namin at ilipat sa tabi dhil ibebenta ng may ari ng lupa ang 40 sq. sa amin upang kami ay magpatayo ngunit kapos kami sa pera kaya wla akmi pampagawa binigyan kmi ng taning na 6months pra sirain ang aming bahay na wala kming mahihinging tulong sa knila maski financial matagal na ang aking pamilya sa pagiging caretaker ng lupa since birth ako dito na nakatira ang lola ko at mamat papa kmi ngaun ng asawat anak ko ang nakatira na.ano po ba ang karapatan ko bilang caretaker.kapag lumaban nmn ako wala rin mangyayarai dhil sila ay may pera.hahayaan ko nalang po ba na sirain ang aming bahay?sana po tulungan nio ako sa aming problema ngaung june na po pinapaalis na kmi sa aming bahay dahil ung tinitirikan ng ahay nmin gagamitin na daw nila...sana po matulungan nio ako salamat po

ibonidarna

ibonidarna
Reclusion Perpetua

Ano po ang ibig nyong sabihin ng caretaker sa lupa?

geminigurl


Arresto Menor

ibonidarna wrote:Ano po ang ibig nyong sabihin ng caretaker sa lupa?

taga bantay po ng lupa kc ung totoong may ari ng lupa eh nasa ibang address po nakatira.ano po ba ang karapatan namin bilang caretaker?dahil gusto na ng may ari na umalis kmi sa lupa na tinitirikan ng aming bahay ng wala silang ibibigay na tulong financial..tnx po sa reply

ibonidarna

ibonidarna
Reclusion Perpetua

Kung caretaker kayo ng lupa, nararapat lang na bayaran kayo sa pangangalaga nito. Subalit maaari pa rin kayong paalisin ng may-ari ng lupa. Puede rin kayong humingi ng bayad sa halaga ng bahay na nais nilang gibain.

Kung kayo ay nakatira sa siyudad, maaari rin kayong masaklawan ng RA 7279 kung saan bago kayo puedeng paalisin sa lupang kinatitirikan ng bahay nyo kayo ay dapat na bigyan ng:
1.30 araw na palugit;
2.Maayos na konsultasyon
3.Posibleng relokasyon;
4. Kung gigibain ang bahay dapat may mga nakauniporment pulis
5. At pagkakakilanlan ng mga taong magdedemolisyon;
6. Dapat may presensya ng mga opisyal ng lokal na gobyerno,
7. At dapat na ang pagdemoisa ay mula alas 8 ng umaga hanggang alas singko lang ng hapon Lunes hanggang Biernes.

geminigurl


Arresto Menor

ibonidarna wrote:Kung caretaker kayo ng lupa, nararapat lang na bayaran kayo sa pangangalaga nito. Subalit maaari pa rin kayong paalisin ng may-ari ng lupa. Puede rin kayong humingi ng bayad sa halaga ng bahay na nais nilang gibain.

Kung kayo ay nakatira sa siyudad, maaari rin kayong masaklawan ng RA 7279 kung saan bago kayo puedeng paalisin sa lupang kinatitirikan ng bahay nyo kayo ay dapat na bigyan ng:
1.30 araw na palugit;
2.Maayos na konsultasyon
3.Posibleng relokasyon;
4. Kung gigibain ang bahay dapat may mga nakauniporment pulis
5. At pagkakakilanlan ng mga taong magdedemolisyon;
6. Dapat may presensya ng mga opisyal ng lokal na gobyerno,
7. At dapat na ang pagdemoisa ay mula alas 8 ng umaga hanggang alas singko lang ng hapon Lunes hanggang Biernes.

noon walang interest ang may ari ng lupa dahil squater area po dito pinaayos namin ang aming bahay dahil palagi kaming binabaha ngunit noong ok na at maganda na ang aming bahay dati gusto ng may ari ng lupa na ibenta sa amin ngunit nagbago usapang verbal lng po kc un ngaun naman po december nung nag usap kmi ng anak niya sa text at sabi hanggang june nalang po kami gibain na daw namin ang bahay namin may relokasyon po pero lupa rin nila ung 40 sq. na bibilhin nmin sa kanila dun kami irerelocate ngunit kami po ang gagastos ng lahat tapos magigiba pa ang aming bahay wala silang ibibigay na tulong financial ano po ba ang dapat nmin gawin ngaun?

sexylhiz08


Arresto Menor

ang aking mga magulang ay caretaker po sa lupa for about 37 years,kami po ang nagbayad sa buwis from the previous owner,nagbayad kami since 1972 up to now, lately lang po may nanggugulo sa amin na kamag anak ng may ari at may dala dala syang tao na ipinakilala sa amin na yun daw po ang may ari, which is hindi naman kc kilalang kilala ng mga magulang ko ang tunay na may ari,so ngayon po, nagharap sila sa Barangay with my parents, so ngayon po pinapapirma ng barangay yung babaeng nagpakilalang may ari, hindi nya kayang gayahin ang pirma ng totoong may ari,sa documents na hawak namin..so hindi po naayos sa barangay plano nilang mag file ng case againts my parents sa korte, kc binago daw namin ang pangalan nung may ari..matagal na pong binigay sa amin ng mismong may ari yung papel na yun mula nung tumira kami dun,wala kaming binago..ano po ba ang pwede naming ikaso sa kanila,Kc fake po yung documents na hawak nila...thanks po sana matulungan nyo po ako sa problem na to...

sexylhiz08


Arresto Menor

may pahabol pa po ako, bago po sila nagharap sa barangay pinuntahan po ng magulang ko at kinausap ang mismong may ari, kaso hindi na po sya pwede bumyahe kc mahina na po sya at kalalabas lang sa hospital ang sabi lang nya sa magulang ko bahala na daw po kami sa lupa, kung sa bagay matagal na daw po kaming tumira dun, kc hindi na daw po nya kaya, harapin nalang daw po namin kung sino man yung mga nanggugulo, harapin nalang daw namin kung may file man daw sila ng kaso...ang tanong ko po, pwede po ba naming patitolohan ang lupa? wala pa po kcng titolo ayaw na po kcng makialam ang may ari eh...ang plano namin bayaran nalang namin sya kung magkano ang halaga sa lupang yun para wala ng manggugulo...ano po ba ang karapatan ng caretaker? lalo na kung matagal na syang nagbabantay sa lupang yun? thanks

mitch0380@yahoo.com


Arresto Menor

Mgandang araw po! Ako po si Michelle. 33 years na pong caretaker ng lupa ang magulang ko simula pa po sa lola ko. Pinaaalis na po kmi ng may ari ng lupa, dahil ibebenta na raw po nila ang 7 lote na aming inaalagaan ng 33 years. Nakiusap po ang aking magulang kung maaari po ibenta na lng sa amin ang isang lote hindi po sila pumayag. At binigyan na lamang kami ng 2 buwan na palugit na wla man lng ibinigay na bayad o pakunsuwelo man lng. Tama po ba ang ginawa nila sa amin? Ano po ang laban nmin? Salamat po!

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum