good morning. gusto ko po sana humingi ng advice. nangyari po kasi nakasagi kami ng 2y/o na bata gamit ang aming sasakyan. bale hindi po namin sya nakita at ayon sa mga nakakita, sinabayan ng bata ang sasakyan sa gilid kaya sya nasagi.nagtapon daw ng basura ang nanay kaya hindi nya agad natawag ang bata nang makita nya itong lumabas. sinagot namin lahat ng gastos sa ospital pati mga gamot. may ilang beses lang silang bumili ng ointment para sa mga sugat ng bata. after 7 days na paginom ng antibiotic, pina-check up ko ulit para masiguradong gumaling ang sugat ng bata. ayon sa doctor, magaling na at hindi na kailangan lagyan ng gasa dahil magaling na at may peklat nalang. binigyan kami ng reseta para sa peklat para madaling mawala ang peklat. ubusin lang daw ang ointment na para sa sugat tapos pwede nang lagyan ng ointment para sa suagt.inalam ko kung magkano ang ointment para sa peklat at mahal pala, halos P600 ang maliit at P1000 ang malaki. kaya sabi ko baka hindi na ako makabili dahil bukod sa wala pa akong budget ng mga panahon na yon, sinabi ko na optional lang naman yung ointment na yun kasi para sa peklat lang naman. ang importante naman ay gumaling na ang sugat ng bata. ngayon, inireklamo kami sa barangay dahil hindi raw kami tumupad sa usapan na pinirmahan namin sa police station (ammicable settlement)noong araw ng aksidente na sasagutin namin lahat ng gastusin sa pagpapagamot ng bata. gusto ko lang po malaman kung dapat pa ba nila kaming ireklamo matapos naming ipagamot ang bata? sana po ay matulungan ninyo ako. thank you.
Free Legal Advice Philippines