good morning po,. gusto ko po sanang humingi nang advise sa inyo, family problem po ito lalong sumasama ang pakiramdam ko sa kanila.. ito po ang nangyari,. may lola po ako na malubha ang sakit 78 years old na po siya at nagkaroon nang cancer at wala na pong magagawa ang mga doctor,. apat kami na magkakapatid at simula nang namatay ang mama ko ang lola ko na po ang nag aalaga sa aming apat,. walang trabaho ang papa ko nuon at namatay ang papa ko last april 13 2011.. ngayon habang nagtiis ang lola ko sa sa sakit nang kanyang mga buto, ako ang palagin dumala sa kanya sa hospital, sa lahat nang pangangailangan niya ay ako ang nag provide,.. hindi ko alam na ganun na talaga ang katindi ang sina suffer nya,.. almost 2 months na siyang nag suffer nun habang ako ang nasa syudad,. pagdating ko sa bahay nang lola ko pinabayaan na pala siya nang mga kapatid ko at palaging hina harass.. sinasampal nila, sinusuntok at maraming mga masakit na salita ang binitawan para lang masaktan nila ang lola ko.. ang lola ko kasi ang bini blame nila sa situation nila na mahirap sila.. at sa dumating na ang panahon na hindi na makalakad ang lola ko,. tinawagan ko ang step mother ko na siya nalang ang mag alaga nang lola ko at bigyan ko siya nang pera dahil walang kasama sa bahay ang lola ko habang nasa syudad ako at magtrabaho.. isang araw pinupuntahan naman nang mga kapatid ko ang lola ko at bumitaw na naman nang masakit na salita at nag babastos pa dun sigaw nang sigaw at marami pang ginagawang kahihiyan.. hanggang sumigaw ang lola ko sa galit at umiyak at nanginginig,. pagka bukas, hindi na makabangon sa hinihigaan nya.. ayaw na talaga nang lola ko na pumunta pa sila sa bahay nya.,, at ngayon palaging pumunta dun at nag paplastikan.. pwede ko po ba silang kakasohan? malaki na po ang nagasto ko sa lola ko pang ospital, mga gamot niya, gatas at mga bills niya ako ang nagbabayad pati pain reliever niya na para mag relax ang sakit na nararamdaman niya sobrang mahal pa nun ako lahat.. pagkatapos bastabasta lang nilang pahirapan ang lola ko.. unfair po ksai sa part ko eh.. than you po! sana mabigyan po ninyo ako nang advise..