I'm going to explain this in Filipino. Bata pa ako nasabi na sa akin na adopted ako pero hindi legal. Forty years old na ako ngayon. Mula noon mag aral ako dala ko na ang last name ng mga umampon sa akin. Nakita ko ang birth certificate ko at hindi nga pangalan ng mga umampon sa akin ang nakasulat doon na mga magulang ko. Ang nakasulat doon eh pangalan noong kapatid ng kinalakihan kong daddy. Noong High School ako, umuwi ako sa province at hinanap ko yun taong nakalagay na tatay ko sa birth certificate ko pero yun mga dinatnan ko doon dinala ako sa sementeryo para ipakita sa akin na bago pa ako pinaganak matagal ng patay yun taong nakalagay na tatay ko sa birth certificate ko.
Sa ngayon parehong patay na ang mga kinalakihan kong parents. May isa silang legal na anak na matanda sa akin. Ang tanong ko po ay ito: "KUNG HINDI AKO LEGAL NA INAMPON, MAY KARAPATAN PO BA AKO SA KAHIT ANONG NA IWAN NUN MGA KUMUPKOP SA AKIN?" Please po paki sagot lang.
Para po sa inyong kaalaman, yun kinalakihan ko pong daddy ay attorney din, siya po ang nag fill-up ng birth certificate ko.
Thanks!