Good Morning attyLLL meron lang po akong mga katanungan regarding sa kaso ko po na child abuse related to physical injury(9 years old po ang bata) . nakapagpasa na po sila ng medico-legal i dont know for some reason na nakakuha sila. pero nakalagay po duon ay jan 15,2012 nangyari ang insidente at jan 16, 2012 10:30pm sila nagpamedical at ang lumabas po ay
a) Abrasion 3x3 cm right elbow
b) Abrasion with hematoma 3x4 cm Right ASIS
c) Abrasion 2cm Knee
prescribed days of rest not less than 1 day but not more than 9 days.
attyLLL tanung ko lang po
1) kung sakali man po na makakita ng probable cause ang fiscal ay anu po kaya ang posibleng ikaso sakin.
2) nagpasa na po ako ng counter affidavit together with my witnesses pero hindi ko po tala nahawakan ung bata accept ko po na ung sa abrasion sa elbow and knee ay common or vulnerable points po iyon ng bata na madalas na nasusugatan lalo na naglalaro sila at tingin ko po ay nakuha po nung bata iyon sa kanilang paglalaro ung mga lumabas sa medicolegal at pinipilit nilang ibinibintang na ako ang gumawa posible ko po ba sabihin na maaring nakuha ng bata un sa kanyang paglalaro di ko lang po alam kung anu ung sa Right ASIS eh.?
3) kapag nakagawa na po ba ng resulution ang fiscal normally ilang days or weeks po bago lumabas ang kanyang desisyon
4) kung sakali man na ako po ay magkakaso at magkaroon na ng hearing ito na po ba ung time na kaylangan ko na po ng personal na lawyer na magdedefend sakin?
5) at kung sakali man sa kasawiang palad na paboran ang aking complainant at manalo sigurado pong makukulong ako ng walang kasalanan madadamay po ba ang mga testigo ko ako po ay nagaalala sa kanila dahil sila ay mga menor de edad po mga 16 yrs old ginagawa lang po kasi nila ang alam nilang tama
6) kung ayun nga po makulong po ako meron po bang probation sa kasong haharapin ko?
7) basi po sa kwento nung bata sa testigo ang kwento nung bata ay ibinalibag ko siya, sinuntok sa likod, isang beses ko siya sinipa sa likod at pinilipit ang braso ngunit ang testigo ang sabi ay 2 beses ko sinipa ang bata at sa ulo banda. ngunit iba po ang lumabas sa medicolegal na findings posible po kaya makita ng fiscal yun na iba ang resulta? kasi po kung sinipa ko sa ulo at sa likod at may kasama pa pong suntok diba po dapat nandun ang pasa?
Salamat attyLLL kung sakali man na ako po ay mangailangan ng Attorney sa kaso pong ito ikaw po ang una kong lalapitan sana matulungan mo ko attyLLL Salamat. God bless