Ginawa ko naman po ang gusto nila na kumuha ng pera sa kanila at ipautang sa iba, noong una po ok naman ung mga pinautang ko, pero habang tumatagal po pakoti nalang ng pakonti ung nasisingil ko sa mga taong pinautang ko at isa po un sa ikinagalit noong inakala kong totoong lending business, hindi na po nila tinatanggap ung perang nireremit ko sa knila sa kadahilanan daw pong hindi daw po un ang napagusapan naming halaga n dapat kong iremit sa kanila.
Nabankrupt na po ang business ko ng dahil sa lending business nila, dahil sa pagreremit ko sa kanila ng tama kahit na ung mga pinautang ko ay hindi nagbayad ng tama. Sinabihan ko po sila na magreport nalang kami para sa mga taong hindi nakakabayad ng tama para mabilis naming makuha yung pera ngunit doon ko po nalaman na hindi po pala lisensyado ang lending business nila.Tama po ba na kunin nila ang property ko para kabayaran daw po sa perang nakuha ko sa kanila na pinautang ko sa iba na sila naman po ang may gusto?? Sa ngayon po ay hindi na ako humaharap at nagpapakita sa knila dahil ang gusto po nilang mangyari ay ibigay ko sa kanila ang tricycle ko.
Ano po bang dapat kong gawin? May laban po ba ako kung skaling idemanda nila ako sa ginawa kong pagsunod sa gusto nila??