Kami po ay mga freelance draftsmen. Tumatanggap po kami ng drafting at 3d modeling works mula sa mga clients locally at abroad. Kami lang pong dalawa talaga. Wala po kaming employees or secretary. Tam po ba ang aming ginagawa?
Hindi rin po namin kabisado ang pagbabayad ng tax. Iniwan na rin po namin ang hinire namin na book keeper kasi hindi maganda ang serbisyo nya.
Nag-umpisa po kami last January at ang nababayaran pa lang namain ay ang 3% tax. May nabasa po ako sa internet na kaylangan din magbayad ng final withholding tax na 10 percent. Tama po ba yun?
Mali po ba kami na general partnership ang ginawa namin instead of sole proprietorship o dapat nagself employed na lang kami?
Total napasubo na po kami itutuloy na lang namin. Kaylangan pa rin po bang magbayad ng tax ang bawat isa sa amin mula sa pinaghahatian naming kita ng kompanya?
Sana po ay matulungan nyo kami.
Maraming salamat po.