ask ko lang po sana kung anu po ang pinakamaganda kong gawin.. I have kids (kambal), single mom po ako pero nung nanganak po ako yung surnames ng mga anak ko po ay nakasunod dun sa tatay nila. Mga ilang months po after ko manganak, nagbibigay po ng sustento yung ama nung mga bata but suddenly, bigla nalang po huminto.. Ilang beses ko na po xa kinausap sa bagay na yun pero wala parin po syang aksyon na ginawa..
Ngaun po ikakasal na ako sa present bf ko ang we would like to know if its possible na maisunod sa bf ko yung surnames ng mga anak ko after we get married. anu po ba ang pwede naming gawin? since hindi nman na po nakikipagcommunicate nung biological father ng mga anak ko, is it possible na yung rehistro po ng mga bata eh malipat sa surname ng mapapangasawa ko?
I hope mabigyan nyo po ako ng mainam na advice regarding this matter..
salamat po