Atty. hihingi lang po sana ako ng advice, isa po akong gov't
employee at may hindi magandang karanasan sa pagpapamilya.
hiwalay na po kasi kami ng asawa ko dahil simula't sapul po ay di
ko ginusto na mapangasawa sya. ikinasal lang po kami sa
kagustuhan po ng aming mga magulang nung edad 19 pa lamang
ako dahil nabuntis ko sya.
una po sa lahat, handa po ako magsuporta sa aking anak, mahal
ko po ang anak ko maliban dun sa ina.
ngayun po ang scenario po ay ganito, yung babae po ay
nagtratrabaho sa manila at ako po ay andito naman sa bikol. yung
anak ko po andito din sa bikol nandun sa manugang ko .
ito po ang problema ko atty.
pag hinihiram ko po yung anak ko ay halos ipagdamot nila sakin..
minsan nahihiram ko, minsan hindi. at kung mahiram ko man ang
pinakamatagal na dito ay dalawang araw at ang rason nila e kesyo
dumating yung kapatid at hinahanap yung anak ko o dumating
yung kamag anak at hinahanap yung anak ko.
ako po ay nagtatampo, kulang nalang sabihin nila sakin e "oi
hinahanp yan ng aso namin dito, suli mo na" bakit ganun? ano po
ba ang legal na pamamaraan na pwede kung mgawa upang
tumagal sakin yung bata?
at dahil po pala sa pagtatampo kung yan tinamad po ako magbigay
ng suporta dun sa bata. pakiusap po ako ay inyong bigyan ng payo
dahil ako ay naguguluhan.
kung ano ano na po masakit na salita ang natatanggap ko dun sa
asawa ko na kesyo magbigay ako ng suporta, o ipapatanggal nila
ako sa trabaho.
ano ba ang mga dapat kung gawing legal na hakbang ukol dito? at
ano po ba talaga ang pwede kung maging grounds laban sakin at
ang pwede kung mailusot dito? ayaw ko po kasi matanggal sa
trabaho ko at ayaw ko namn din pong makulong.